SELENE P.O.V
Bigla akong napabalikwas ng bagong mula sa higaan na may luha sa mga mata.
Nagkaroon kasi ako ng isang napakasamang panaginip. Hindi lang basta panaginip kundi bangungot!
As in masasabi kong bangungot ito dahil maliban sa kasama ko ang lalaking kinamumuhian ko na si Evan, ang Ex-husband ko ay pareho pa kaming namatay sa panaginip ko, grabe!
Creepy!
Sa loob ng halos tatlong taon mula ng maghiwalay kami ay ni minsan ay hindi siya pumasok sa panaginip ko, ngayon lang.
Hindi kaya may mangyayaring masama kaya nagkaroon ako ng ganong panaginip?
Hindi ko tuloy maiwasan ang kilabutan at mapaisip.
"Wala! Wala! Wala lang ito!" Sabi ko na lang sa sarili ko na may kasamang pag iling-iling para alisin sa isip ko ang bangungot ko na iyon.
Muli akong humiga, ipinikit ang mata at pilit na muling natulog pero ilang minuto na ay wala pa rin nangyayari at pilit pa rin pumapasok sa isip ko ang bangungot na iyon.
"Arghhh!!!!" Padabog akong muling napabangon dahil sa sobrang inis. Ginulo-gulo ko pa ang buhok ko. "Ano ba Selene, alas tres pa lang ng madaling araw!" Reklamo ko sabay pabagsak ulit akong nahiga at muling ipinikit ang mga mata pero—
Bwesit na bangungot na iyon talagang hindi mawala sa isip ko!
"Sh*t!" Muli akong bumangon pero sa pagkakataon na ito ay bumababa na ako sa kama saka naglakad palabas ng kwarto at dumeretso sa kusina.
Kailangan ko ng kape pangpakalma.
Kinuha ko ang paborito kong mug saka lumapit ako sa coffee maker nang biglang may narinig akong kaluskos mula sa labas kaya napasinghap ako sa pagkagulat at muntikan ko pang mabitawan ang mug na hawak ko.
Actually, hindi naman ako matatakutin o magugulatin pero dahil sa bangungot ko kanina ay syempre aaminin kong nakakaramdam ako ng takot ngayon at ang lakas pa ng kabog ng dibdib ko.
"Kalma lang Selene." Sabi ko sa sarili ko sabay hinga ng malalim.
Ibinababa ko ang hawak kong mug tapos dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinto para tingnan kung anong ingay iyon.
Pero nang akmang hahawakan ko na sana ang lock ng pinto para e-unlock ay biglang may nagsususi mula sa labas kaya namilog ang mata ko at napaatras ako bigla.
Nang marinig ko ang pagclick ng lock na nangangahulugan na naunlock na ay mabilis na akong napatakbo pabalik sa kusina sabay dampot na lang ng kahit anong pwede kong madampot para maging armas at saka dahan-dahan ulit akong nalakad pabalik ng pinto na ngayon ay unti-unti nang bumubukas.
Mas lumakas ang kabog ng dibid ko habang nanginginig din ang buo kong katawan pero kailangna kong tibayan ang loob kaya pumorma na ako paatake habang hawak-hawak ang—
Napatingin ako sa hawak ko—
"Sh*t!" Hindi makapaniwalang nausal ko ng makita kong kawali pala ang hawak-hawak ko. "Sh*t! Anong maiitulong mo sa akin!" Reklamo ko pa na masama ang tingin sa kawali.
Sa sobrang kaba at taranta ko hindi ko na namalayan kawali lang pala nadampot ko.
At nang bumukas na nga ang pinto ay napabalik doon ang tingin ko.
"Ay Bahala na!" Sambit ko na lang saka sabay malakas na hagis ng kawali.
Pagkahagis ko ay mabilis na akong takbo pabalik ng kusina.
POK!
Narinig ko ang malakas na pagtama ng kawali pero hindi na ako lumingon para tingnan kung anong nangyari dahil kailangan kong makapagtago.
TSOG!
Malakas na lagapak naman ng kawali sa sahig.
Hindi ko na nakita ang mga pangyayari dahil nakatago na ako.
"OUCH!" Narinig kong malakas na reklamo na boses lalaki. "Sh*t! Sh*t!" Pagmumura pa nito na parang pamilyar sa aking ang boses kaya nagsalubong ang kilay ko.
"Sh****t!" Parang slow motion na nausal ko habang namimilog ang mga mata ko nang marealized ko kung sino ang hinayupak na iyon.
Bigla akong napatayo at ang mukha nga ng lalaking kinamumuhian ko ang tumabad sa akin, nagtama pa ang mga mata naming dalawa.
"EVAN!"
"SELENE!"
Gulat na sabay na sambit namin sa pangalan ng isa't-isa.
THE END
BINABASA MO ANG
Rewrite the Star (Editing) Completed
RomanceThree years pagkatapos maghiwalay nina Selene at Evan ay bigla lang sumulpot ulit sa buhay at bahay ni Selene ang Ex-husband. Anong dalang gulo ni Evan sa buhay ni Selene? May second chance pa kaya ang lovestory nilang dalawa? Formerly: Living with...