A/N: Bago ang lahat THANK YOU VERY MUCH po sa mga nagbabasa kahit maraming errors ☺(All kinds of errors.) ♥♥♥
CHAPTER NINE
SELENE'S P.O.V
"Hi!"
"AY!!!" Gulat na gulat na reaksyon ko na bigla pa akong napapitlag at naoutbalance dahil sa biglang pagsulpot ni Evan pagkababa ko ng sasakyan. Buti na lang at mabilis niya akong nahawakan sa bewang kaya hindi ako natuluyang matumba.
"Bitiwan mo nga ako!" Agad na utos ko sa kanya dahil sa pagkakahawak niya sa bewang ko pero embes na bitawan ako ay ngumisi lang siya sabay kabig pa sa'kin palapit sa kanya na halos maglapat na ang mukha naming dalawa.
Nanlaki ang mata ko't napalunok din dahil sa posisyon namin na iyon sabay kabog pa ng malakas ang aking dibdib.
After three years kasi ay ito ang unang pagkakataon na natitigan ko siya ulit ng malapitan.
I didn't realize na nakatulala na pala akong nakatitig sa mukha niya na parang pinag-aaralan ko bawat bahagi nito.
Ngayon ko lang kasi napagtanto na hindi pa rin pala nagbabago ang itsura niya, ang gwapo pa rin niya and his eyes..... ang mga mata niyang na parang nangungusap habang nakatitig sa'kin. His lips, ang mga labi niyang mapupula na waring nangaakit.
Ang mga iyong ang isa sa dahilan kung bakit ako nainlove sa kanya noon. Hindi naman dahil sa pagiging gwapo niya, bonus na lang 'yon pero ang talagang nagpainlove sa'kin ang mga mata niyang kulay brown na ang ganda-ganda't bagay na bagay sa kanya.
Ang mga labi niyang natural na mapupula na hindi nasira ang natural nitong kulay dahil wala naman siyang bisyo.
"Ehem!" Nang bigla akong mataauhan dahil sa malakas na pagtikhim ni Matt kaya agad kong naitulak si Evan palayo. Umayos akong sa pagkakayo at nagkunwaring parang walang nangyari. Pero ang totoo ay kumakabog pa rin ng malakas ang dibdib ko.
'Ano ka ba naman puso, abnormal ka ba!'
Nagkunwari na lang din akong galit at nagsalubong ang kilay na tumingin kay Evan. "Pwde ba Evan, sa susunod 'wag ka ngang nangugulat!" Galit na reklamo ko sa kanya.
Pero embes na sumagot ay kinindatan niya lang ako sabay tawa ng malakas na umiiling-iling pa saka tumalikod na siya't naglakad na papasok ng bahay.
"Kita mo ang kumag na 'to!" Nang gigigil na reklamo ko habang nakasunod sa kanya ng tingin ng napadako naman ang tingin ko kay Matt na nakalapit na pala sa'kin at umakbay pa.
"Anong ibig sabihin 'non?" Nakataas ang kilay na usisa niya kaya nginiwian ko lang siya't marahas kong tinangal ang kamay niyang nakaakbay.
"Ang alin?" Tanong ko na kunwari'y hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya.
Sinamaan niya tuloy ako ng tingin. "Yong pagkakatitig mo sa Ex mo.... grabe ha!"
Agad tuloy akong napaiwas ng tingin sa kanya. "Nabigla lang ako kaya ganon ang pagkakatitig ko." Pagtatangol ko sa sarili ko saka mabilis na akong tumalikod sa kanya at naglakad na rin papasok ng bahay ng walang lingon-lingon kahit tinatawag pa niya ako.
Pagkapasok ko ay dumeretso na ako sa kwarto at agad na naglock ng pinto. Nang mailock ko ang pinto ng silid ko ay saka pa lang ako nakahinga ng maluwag pero hanggang ngayon ay malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko.
BINABASA MO ANG
Rewrite the Star (Editing) Completed
RomanceThree years pagkatapos maghiwalay nina Selene at Evan ay bigla lang sumulpot ulit sa buhay at bahay ni Selene ang Ex-husband. Anong dalang gulo ni Evan sa buhay ni Selene? May second chance pa kaya ang lovestory nilang dalawa? Formerly: Living with...