CHAPTER 19

2.9K 65 12
                                    

CHAPTER NINETEEN


SELENE'S P.O.V


"Si.... Dana!" Pangbubunyag ni Evan kung sino ang nasa likod ng mga ito na ikinagulat ko.

Nagsalubong ang kilay ko, kumunot ang noo ko, napailing-iling ako, napahawak sa buhok.... Hindi ko alam... Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko.

Hindi ko rin alam kung paniniwalaan ko si Evan... Pero sa ganitong sitwasyon magsisinungaling pa ba siya sa'kin?

Pero si DANA?

Hindi!

Pinsan at bestfriend ko 'yon e! Paanong magagawa niya sa'kin ang lahat ng ito?

No!

Hindi niya magagawa ang mga bagay na ito!

Siya ang nasa tabi ko nang mga panahon broken hearted ako dahil kay Evan.... Siya din ang nagbunyag ng katarantaduhan ni Evan -

Posible bang magawa niya ang lahat na ito?

"Ayaw kong sabihin sayo hangga't wala pa akong mga patunay dahil alam kong hindi ka maniniwala pero...." Napailing-iling siya. "Nababaliw na ang pinsan mo!"

"Wait lang, are you sure na si Dana ang may pakana ng lahat ng ito?" Tanong ko sa kanya dahil hindi pa rin ako makapaniwala.

Tumago-tango siya. "Three years ago ay nagbanta din siya na papatayin ka niya kapag gumawa ako ng paraan para makipag-ayos sayo pero hindi ko alam na totohanin pala niya..."

"Pero paano mo nasisigurong si Dana ang gustong magpapatay sa'kin?"

"She called me pagkatapos nang insidente sa coffee shop at muli siyang nagbanta."

Hindi ako makaimik pagkatapos ng sinabi ni Evan. Gusto kong makausap si Dana at komprontahin siya kung totoo nga ang pinagsasabi ni Evan.

Kailangan na naming mahingi ng tulong para makabalik na kami sa Manila.

"Kailangan kong makausap si Dana!" Pahayag ko saka muli na akong naglakad ng mabilis.

"Selene..." Narinig kong tawag sa'kin ni Evan pero hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad pero bigla akong napahinto ng bigla akong nakarinig na putok ng baril mula sa likod.

Mabilis akong napalingon at nanlaki ang mata ko ng makita ko ang isang lalaki na may hawak na baril at nakatutok iyon kay Evan.

"Sino ka?" Sigaw na tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sa'kin pero nginisian lang niya ako.

"Lumapit ka dito!" Utos nito sabay turo sa tabi ni Evan.

Ayaw ko mang lumapit pero sumunod pa rin ako dahil may baril siya. Naglakad ako palapit kay Evan.

"Sino ka?" Si Evan naman ang natanong.

"May gustong makipagkita sa inyong dalawa." Nakangising sagot nito. "Lakad!" Saka utos nito na pinapalakad kami pabalik sa bahay.

Nagkatinginan kami ni Evan.

"Si Dana ba?" Tanong ni Evan sa lalaki pero hindi siya nito pinansin at mas lalong lang nito ang pagkakahawak sa baril na nakatutok sa'ming dalawa.

Rewrite the Star  (Editing) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon