CHAPTER 21

2.9K 57 6
                                    

CHAPTER TWENTY-ONE


SELENE'S P.O.V


Nanglalaki ang mga mata ko ng biglang mabitawan ni Dana ang baril na hawak niya sabay napatingin ako kay Warren na nakatutok pa rin ang baril kay Dana na siya pala ang bumaril dito sa kamay.

Pero agad din naman niyang ibinababa ang baril at mabilis na silang tumakbo ni Evan palapit kay Dana.

"Ahhh!" Daing ni Dana habang tinitingnan ang kamay na duguan na sa tingin ko'y nadaplisan lang naman.

Mabilis at magkasabay na hinawakan nina Evan at Warren si Dana sa braso ng makalapit na silang dalawa dito.

"Bitiwan niyo ako!" Utos na sigaw ni Dana sa dalawa na nagpupumiglas pa.

Pero hindi siya ng mga ito pinansin at napadako ang tingin nila sa'kin.

"Ok ka lang ba?" Chorus na tanong nilang dalawa. Tumango lang ako habang hawak-hawak ang braso kong tinamaan ng bala.

"You're bleeding!" Wika pa ni Evan na nakatingin sa braso ko.

Tiningnan ko rin ang aking braso na may tama. "Daplis lang naman." Sagot ko at saka dahan dahan na akong tumayo.

Habang patayo ako ay biglang nagpumiglas si Dana at akmang susugurin ako, muntikan na rin siyang makawala sa pagkakahawak nina Warren at Evan dahil nakatuon ang atensyon ng dalawa sa'kin buti na lang at naagapan nila.

At dahil naman sa ginawa ni Dana ay naubos na ang pasensya ko kaya tumingin ako sa kanya at sumigaw. "Dana pwede ba tama na!"

Matatalim na tingin ang pinukol naman niya sa'kin. "I hate youuuu!"

Nagsalubong ang kilay ko. "I know you hate me that much pero ano ba ang gusto mong gawin ko para tumigil ka na?"

Tumaas ang kilay niya at ngumisi na parang aso. "Ang gusto ko lang ay ang makita kang malamig nang bangkay!"

"Dana!" Sigaw ni Evan dahil sa sinabi nito. "Paano mo nasasabi yan sa pinsan mo?"

Humalakhak ng malakas si Dana. "Hindi kita totoong pinsan!" Aniya na nakatingin pa rin sa'kin.

Biglang akong natulala at parang tumigil ang ikot ng mundo ko dahil sa ibinunyag niya na hindi ko alam kung totoo ba o hindi.

"Anong ibig mong sabihin?" Narinig kong tanong ni Evan.

Pero hindi siya pinansin ni Dana at nanatili lang ang tingin niya sa'kin. "Alam mo ba kung bakit kinamumuhian kita ng sobra-sobra?" Dana asked. "Dahil sa katotohanan na yan! Ni hindi ka nga namin totoong kadugo pero bakit ikaw ang laging magaling sa mata nila? Bakit ikaw ang mas mahal nila?"

Gusto kong sumagot at muling igiit na hindi totoo ang iniisip niya na ako ang mas magaling sa mata ng lahat pero parang tila hindi ko maibuka ang aking bibig dahil sa hindi pa rin ako makabawi sa pagkagulat sa sinabi ni Dana kanina.

"Dana, What nonsense are you talking about?!" si Evan.

Tinitigan siya ni Dana. "Nonsense? Oh c'mon that's not nonsense! That's the truth!"

"Stop it Dana!" Si Warren naman ang sumaway sa kanya na medyo humigpit pa ang pagkakahawak nito sa braso niya.

Nanlisik bigla ang kanyang mga mata. "Ano ba ang mayron ang Selene na yan....at pinagtatangol niyo siya!" Galit na tanong pa niya pero hindi na siya pinansin nina Evan at Warren at pareho na silang tumingin sa'kin.

"Don't think too much! Pinaglalaruan ka lang niya." Sabi sa'kin ni Evan dahil sa pagiging tulala ko.

"Oo nga Selene." Sang-ayon naman ni Warren.

Pero hindi pa rin napanatag ang isip ko at napatingin lang ako kay Dana at pinagaaralan ang kanyang mukha kung seryoso ba ito o hindi sa mga binunyag niya pero hindi ko mabasa sa ekspresyon niya dahil galit ang nakikita ko.

"Kailangan natin humingi ng tulong...." Narinig kong sabi ni Evan ng hindi pa rin ako kumibo.

Napatingin naman ako sa kanya.

"Anytime soon darating na 'yong backup na reniquest ko kanina." Sagot ni Warren. "Dana ano ba!" Nang biglang saway niya kay Dana dahil sa muling pagpupumiglas nito.

"Pakawalan niyo nga kasi ako!" Utos nito pero hindi na siya pinansin ng dalawa.

"Dalhin muna natin siya sa loob." Suhesyon ni Warren kay Evan habang nakatingin kay Dana. "At.. baka makawala pa siya."

Tumango naman si Evan tanda ng pagsang-ayon saka tumingin sa'kin. "Dito ka lang." Sabi niya sa'kin bago sila naglakad papasok sa bahay para dalhin si Dana doon.

Habang inaakay nila si Dana ay patuloy pa rin ito sa pagpupumiglas at sigaw ng sigaw.

____________

Hindi nagtagal ng ay mga dumating na nga ang mga kasamahan ni Warren. Agad nilang nilapatan ng pangunang lunas ang daplis ng bala ng braso ko at sa kamay din ni Dana.

Pagkatapos ay umalis na rin agad sina Warren at mga kasamahan niya na dala si Dana samantalang kami naman ni Evan ay naiwan pa habang naghihintay ng susundo saming sasakyan.

"Totoo kaya ang mga sinabi ni Dana?" Wala sa sariling tanong ko habang nakatingin sa kawalan.

Hinawakan ako ni Evan sa balikat kaya napatingin ako sa kanya. Isang tipid na ngiti ang iginawad niya. "Ikaw ang makakapagsabi niya, sa tingin mo ba totoo ang mga sinabi niya?" Balik na tanong niya.

"No." Mabilis ko namang sagot dahil yon ang nararamdaman ko at saka paanong hindi ako totoong anak nina Mama at Dad e, kamukha ko sila. So talagang imposible ang mga sinasabi niya.

Muli akong tumingin sa malayo. "Pero bakit kaya nasabi ni Dana iyon?"

"Siguro para saktan ka,paglaruan ang isip at damdamin mo." Sagot ni Evan na napatingin na rin sa malayo.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at saglit na hindi nagsalita. Nang maya-maya'y tumingin ako kay Evan. "I'm sorry." Sabi ko sa kanya kaya napatingin din siya sa'kin.

Kumunot ang kanyang noo dahil sa sinabi ko. "Huh?"

"Sorry sa lahat ng maling nagawa ko. Hinusgahan kita agad noon at hindi hinayaang magpaliwanag." Pagpapatuloy na paghingi ko ng paumanhin sa nagawa kong pagkakamali noon. Isang matamis na ngiti naman ang iginawad niya. "I'm such a fool, naniwala ako agad sa iisang litrato lang!" Dugtong ko pa.

Nagulat ako ng bigla niya kunin ang kamay ko. "Ok lang yon past is past basta ang mahalaga ngayon ay alam mo na ang katotohanan." Nakangiti pa rin sagot naman niya sabay pisil ng aking kamay.

Gumanti rin ako ng ngiti sa kanya.

Lumapad pa ang pagkakangiti niya. "Sana naman ngayon na alam mo na ang totoo ay baka naman pwede mo na akong pagbigyan na ligawan ka ulit." Sabi pa niya kaya napailing-iling tuloy ako sabay bawi ng kamay ko na hawak pa rin niya.

"Tapusin muna natin ang issue kay Dana at saka na natin yan pag-usapan." Sagot ko na medyo ikinalukot ng mukha niya pero agad din naman nawala, marahil dahil narealize niya tama naman ang sinabi ko.


©2018

Rewrite the Star  (Editing) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon