SELENE'S P.O.V
Pareho kaming parang nasa cloud nine ni Evan dahil sa sobrang tuwang nararamdaman namin sa mga oras na ito.
After nang matagumpay niyang proposal sa'kin kanina ay hindi muna kami uuwi sa Manila dahil gusto muna namin e-celebrate pagiging engage namin ulit.
Hindi pa rin namin tinatawagan mga magulang namin para ibalita sa kanila ang magandang pangyayaring ito sa amin buhay siguro bukas na lang. Mas maganda kasi na sa personal na lang namin ibalita sa kanila.
Kasalukuyan kaming nakaupo ni Evan dito sa gilid ng dagat habang pinapanood namin ang paglubog ng araw.
"Sana hanggang tumanda tayo magkasama pa rin tayo." Nakangiting wika ko habang nakatingin sa araw na ang ganda.
Inakbayan ako ni Evan. "Oo naman, hanggang sa kamatay pangako ko magkasama pa rin tayo." Sabi naman niya.
Tiningnan ko siya ng makahulugang tingin. "Grabe ha, hanggang kamatayan talaga..." Sabi ko sabay tawa. " Ano yang sabay din tayong mamatay..."
"Malay mo diba."
"Ay ewan ko sayo! Wag na nga natin pag-usapan yang tungkol sa kamatayan na yan!"
Napangiti siya saby tumango-tango at pisil ng balikat ko.
"So paano pala natin sasabihin sa mga parents natin about sa pagpapakasal natin ulit?" Tanong na lang niya.
"Mag set tayo ng dinner at doon natin e-announce." Suhesyon ko.
"Hmmm... pwede magandang ideya yan, pero... paano pala sin Dana?"
Napabuntong hininga ako ng malalim dahil sa tanong niya saka ibinalik ko ang tingin ko sa araw na hanggang ngayon ay nakasilip pa rin. "Siguro hindi ko na muna natin sa kanya babangitin at kapag gumaling na lang siya ay saka ko na lang sa kanya sasabihin." Malungkot na sagot ko.
Napabuntong hininga rin si Evan. "Siguro nga 'yan na muna ang gawin mo dahil baka kapag nalaman niya ay lumalala pa siya." Sang-ayon niya.
__________
Kakagising ko pa lang at pupungay-pungay pa ng biglang magring ang cellphone ko. Dito na rin kami sa resort kasi ni Evan natulog.
Nang makita kong si Papa ang tumatawag ay agad ko iyon sinagot.
"Pa, bakit?" Tanong ko agad pagkasagot ko ng tawag ni Papa.
"Nasaan ka?"
"Nasa batangas po bakit?"
"Hinahanap ka kasi ni Dana."
Bigla akong natuwa dahil sa sinabi ni Papa. "Talaga po?"
"Oo actually kagabi ka pa nga niya hinahanap e."
"Sige Pa, pauwi na rin ako and deretso ako agad kay Dana pagdating ko." Hindi ko maipaliwanag ang tuwang nadarama ko sa mga oras na ito dahil mukhang umaayon ang lahat at nagiging maganda ang mga nangyayari.
Pagkababa ko ng cellphone ay agad na akong naligo at nagbihis. Pagkatapos ay mabilis akong pumunta sa kwarto ni Evan.
Syempre sa separate room kami natulog. Wag madumi ang isip.
Pagkaharap ko sa pinto ng kwarto niya ay agad akong kumatok. "Evan." Tawag ko sa pangalan niya habang kumakatok.
Agad naman niya akong pinagbuksan ng pinto. "Good morning." Masayang bati niya. "Ang aga mo naman ata akong namiss." Dugtong na biro pa niya.
BINABASA MO ANG
Rewrite the Star (Editing) Completed
RomanceThree years pagkatapos maghiwalay nina Selene at Evan ay bigla lang sumulpot ulit sa buhay at bahay ni Selene ang Ex-husband. Anong dalang gulo ni Evan sa buhay ni Selene? May second chance pa kaya ang lovestory nilang dalawa? Formerly: Living with...