Author's Note: Ewan ko kung ito last chapter pero happy ending na e, hahaha... so I guess this is it na. Thank you guys sa pagbabasa at pag-aabang. ♥♥♥
CHAPTER TWENTY FOUR
SELENE'S P.O.V
Sa mga sumunod na araw ay mas naging sweet sa akin si Evan. Hatid-sundo niya ako lagi. Maging kapag dinadalaw ko si Dana ay sinasamahan din niya ako sa Ospital kaso nga lang ay hindi siya nakakasama sa loob kaya naman sa kotse na lang niya ako hinhintay.
Si Matt naman ay naging masaya ng malaman ang naging desisyon namin ni Evan na bigyan pa ng pagkakataon ang relasyon naming dalawa.
So, maganda naman ang nangyayari, isa na lang ang hinihiling namin ay ang gumaling na si Dana.
________
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Evan dahil weekend naman ay sobrang aga din niya akong puntahan dito sa bahay at sabi niya ay may pupuntahan daw kami.
"Surprise nga diba, kaya bakit ko sasabihin kung saan tayo pupunta." Sagot niya na ikinasimangot ko.
Humalukipkip ako sabay taas ng kilay. "Alam mo minsan nakakainis ka rin talaga ano!" Reklamo ko dahil sa naging sagot niya.
Pero embes na sumagot ay tawa at yakap lang ang iginawad niya sa'kin.
"Hay naku bitiwan mo nga ako!" Kunwari'y nagtatampong utos ko sa kanya habang tinatangal ko ang kamay niya nakayakap sa'kin.
"Sus, wag ka nang magtampo... basta matututwa ka sa pupuntahan natin." Aniya sa'kin kaya lumingon ako sa kanya pero ang hindi ko inaasahan ay pagkalingon ko ay bigla niya akong hinalikan sa labi.
Smack lang naman ulit pero talagang nagdudulot iyon sa'kin ng kakaibang kiliti at kilig.
"Wag ka ng magtampo..." Sabi niya ulit pagkahalik sa'kin.
"Oo na sige na." Sagot ko naman na kunwari'y nakasimangot pa rin ako pero ang totoo ay natangal na ang kaunting inis ko ng halikan niya ako.
"So tara na." Yakag na niya saka tinangal na niya ang pagkakayakap sa'kin at hinawakan naman niya ang kamay ko at hinila na ako palabas ng bahay.
Habang nasa byahe kami kahit ilang beses ko pa ulit na pinilit si Evan na sabihin kung saan kami pupunta ay talagang matigas siya at hindi talaga niya sinabi sa'kin kahit na tinakot ko siya na magagalit talaga ako kapag hindi niya sinabi sa'kin, tinawanan lang niya ako.
"Ok, so ganito na lang bigyan mo na lang ako ng clue." Sabi ko ng hindi ko talaga siya mapilit.
Ngumiti siya ng malapad. "Selene... malalaman mo rin naman mamaya pagdating natin kaya manahimik ka na lang muna diyan o kaya umidlip ka muna." Pagmamatigas talaga niya na kahit clue lang ay talagang ayaw pa rin niyang sabihin.
"Hmp! Ewan ko nga sayo!" Pagtatampo ko sabay paling ng ulo ko sa may bintana at sa daan ko na lang ipinukol ang aking atensyon
Nakakainis naman kasing 'tong si Evan, may pasurprise surprise pang nalalaman samantalang alam naman niya na I hate surprises.
BINABASA MO ANG
Rewrite the Star (Editing) Completed
RomanceThree years pagkatapos maghiwalay nina Selene at Evan ay bigla lang sumulpot ulit sa buhay at bahay ni Selene ang Ex-husband. Anong dalang gulo ni Evan sa buhay ni Selene? May second chance pa kaya ang lovestory nilang dalawa? Formerly: Living with...