CHAPTER TEN
SELENE'S P.O.V
"Ano hindi mo pa ba sasabihin?" Bulong na tanong sa'kin ni Matt habang nakaupo kaming dalawa sa couch.
Nakatapos na kasi kami mag-almusal lahat lahat pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makapagdesesyon kung papalayasin ko na ba talaga si Evan. Hindi ko kasi alam kung ano ang dahilan na sasabihin ko kung bakit ko siya papaalisin.
Hay! Magpapaalis na lang ng tao hirap na hirap pa ako! In the first place naman kasi dapat hindi na ako pumayag na tumira siya dito.
"Hoy! Selene!" Muling agaw ni Matt ng pansin ko na maya kasamang siko pa sa tagiliran.
Sinamaan tuloy siya sa'kin ng tingin. "Aray ha! Kailangan may kasamang siko!" Reklamo ko sa kanya.
"E, ang bagal bagal mo magdesesyon!" Inis na sabi niya na napapakamot pa sa ulo. "Ano? Papalayasin mo na ba siya o hindi?"
"Bakit ba kasi atat na atat ka diyan?" Reklamo ko dahil sa pagmamadali niya sa'kin na magdesesyon na.
"Remember may out of town trip ako ngayon, kailangan ko nang umalis pero hindi ako makaalis dahil hinhintay ko ang desesyon mo."
"So?" Pinandilatan ko siya ng mata. "Ano naman ang koneksyon ng desesyon ko diyan sa out of town mo?"
"Naman 'to, syempre para alam ko kung babalik na ba ako sa pad ko pagkabalik ko galing sa Baguio o dito pa rin ako magstay sa bahay mo."
Napangiwi tuloy ako dahil sa reason niya. "Sus naman Matt, anong ginagawa ng cellphone? Pwede ko naman ibalita sayo over the phone, diba?"
"Selene naman syempre isa pang reason is gusto ko din makita ang reaksyon ng Ex mo kapag sinabi mong umalis na siya dito."
Napailing-iling at napangisi tuloy ako. "Ayon, lumabas din ang totoong dahilan mo kaya minamadali mo ako."
Napangiti naman siya ng malapad. "So, ano na?"
"Matt naman 'wag mo akong madaliin. E, kailangan kong pag-isipan itong desesyon na ito."
"Ala! Kailangan pag-isipan? Bakit?! ..... Hindi naman na kayo kasal ha, para pag-isipan mo pa kung papaalisin mo siya o hindi dito sa bahay mo."
Oo tama naman ang sinasabi ni Matt kaso syempre kahit papaano ay parents pa rin naman kasi ni Evan ang bumili ng bahay na ito at kung tutuusin ay may karapatan pa rin naman talaga dito si Evan kaya nakakahiya.
Ano na lang ang sasabihin ng Dad at Mommy ni Evan kapag nalaman nilang sa oras na nangangailangan ang anak nila ng tulong ay hindi ko man lang siya tinulungan, kahit sabihin pang hindi maganda ang paghihiwalay namin.
"Basta may reason ako kung bakit kailangan kong pag-isipan ng maigi ito." Sabi ko na lang kay Matt na hindi ko na idenetalye sa kanya kung ano ang rason na 'yon.
"Ay ewan ko sayo!" Umiiling-iling na saad na lang niya saka tumayo na siya. "Aalis na ako..." Dugtong pa niya ng makatayo na siya ng bigla tumaas ang kilay niya at tinitigan niya ako ng seryoso. "Tatlong araw akong mawawala, tandaan mong maigi ito ha.... 'wag na 'wag kang bibigay diyan sa Ex mo na 'yan ha! Naku ako ang malalagot nito kay Dana." Mahigpit na habilin pa niya sa'kin.
Natawa naman ako ng malakas dahil sa bilin niya. "Matt! Anong akala mo naman sa'kin!"
"Aba malay ko ba kung nadadala na 'yang puso mo.... sa mga pasimpleng panunuyo sayo ng Evan na 'yon."
BINABASA MO ANG
Rewrite the Star (Editing) Completed
RomanceThree years pagkatapos maghiwalay nina Selene at Evan ay bigla lang sumulpot ulit sa buhay at bahay ni Selene ang Ex-husband. Anong dalang gulo ni Evan sa buhay ni Selene? May second chance pa kaya ang lovestory nilang dalawa? Formerly: Living with...