CHAPTER 20 (NEW)

3K 54 5
                                    

A/N: Hi Guys I'm back... Ayon so dahil medyo bitin young pinost kong Ending ay tinangal ko na po iyon at papalitan ko na... Sa mga nakabasa na ng Last Chapter sorry... pero ito na talaga ang totoo. Pero hindi pa po ito ending ha, may mga susunod na chapters pa. Thanks. Enjoy reading ♥♥♥


CHAPTER TWENTY


SELENE'S P.O.V


Sabay kaming napasunod ng tingin ni Dana sa pinangalingan ng putok ng baril at pareho kaming gulat na gulat ng makita namin si Warren na may hawak na baril at nakatutok kay Evan.

Ang tauhan naman ni Dana na may hawak kanina kay Evan ay duguang nakahandusay na.

"WARREN!" Galit na sigaw na sambit ni Dana sa pangalan ni Warren.

Napakunot naman ako ng noo at gulong-gulo nakatitig lang kina Warren at Evan.

Hindi ko kasi alam kung anong nangyayari? Bakit ni Warren tinututukan ng baril si Evan.

Mabilis na patakbong lumapit si Dana sa pwesto nina Warren at Evan kaya napasunod na rin ako.

"Anong ibig sabihin nito Warren?" Narinig kong tanong ni Evan sa kaibigan niya.

"Warren! Ibaba mo ang baril mo! Kundi ako ang papatay sayo!" Bulyaw na utos ni Dana kay Warren kaya hindi na nito nagawang makasagot sa tanong ni Evan sa kanya.

"Warren?" Wala sa sariling nasambit ko rin pero hindi ko alam kung narinig ba dahil sa sobrang hina.

Gulong-gulo na kasi ako sa mga nangyayari at hindi ko na alam kung ano pa ang magiging reaksyon ko sa mga unexpected na pangyayari na ito.

Una ang pagiging mastermind ni Dana sa lahat na ito tapos ngayon ito naman... Si Warren?

Anong koneksyon niya sa mga nangyayari na ito?

"Sige patayin mo ako pero uunahin ko muna itong lalaking mahal mo!" Hindi man lang natinag na sagot naman ni Warren sa banta ni Dana. "Sinabi ko na sayong 'wag na 'wag mong kakantihin si Selene pero hindi ka nakinig!" Pagpapatuloy pa nito.

Mas lalo akong naguluhan sa mga huling sinabi niya. Maging si Evan ay kitang-kita ko rin ang pagkagulat.

Bakit niya ako ipinagtatangol laban kay Dana?

"Bakit?" Naguguluhan tanong ni Evan kay Warren dahil sa sinabi nito..

Tinitigan lang siya ni Warren saglit pero hindi sumagot saka muling ibinalik nito ang tingin kay Dana. "I helped you once pero not this time."

"Anong ibig mong sabihin?" Muling tanong ni Evan.

Napalipat-lipat ako ng tingin kina Dana at Warren dahil sa sobrang pagkalito at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko dahil hindi ko maintindihan kung ano ba ang pinag-uusapan nina Dana at Warren at dumagdag pa ang pag-aalala ko kay Evan dahil sa pagkakatutok sa kanya ng baril ni Warren.

Muling tinitigan ni Warren si Evan. "I'm sorry Bro, ako ang tumulong kay Dana noon para sirain kayong dalawa ni Selene...." Pabubunyag nito na ikinagimbal namin pareho ni Evan.

Nanlaki ang mata ko dahil sa pagkagulat.

"Anong ibig mong sabihin?" Muling tanong ni Evan na mas lalong naguluhan at nakasalubong na ang kilay.

Rewrite the Star  (Editing) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon