CHAPTER SEVEN
SELENE'S P.O.V
"Breakfast is ready!" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Evan sa harapan ko na nakangiti pa ng malapad.
Kumunot ang noo ko. "Ano?"
"Sabi ko ready na ang breakfast natin."
Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ko ng mag register na sa utak ko ang sinabi niya.
"Breakfast?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Nagluto ka ng almusal?"
"Yes at para lang sayo 'yon!" Sagot niya na nilakas pa niya ang pagkakasabi sabay baling ng tingin sa kanan kaya napasunod naman ako.
Si Matt pala ang tinitingnan niya na kakalabas pa lang din ng kanyang silid. Babatiin ko sana siya pero hindi ko na naituloy dahil sa biglang paghila sa'kin ni Evan.
"Tikman mo ang niluto ko kung masarap." Sabi niya habang hila-hila ako papuntang kusina.
Nang bigla akong napahinto sa paglalakad pagkakita ko ng niluto niya. Sunog na hotdog, na halos hindi ko na makilala na hotdog pala iyon at ang itlog naman ay hindi ko alam kung anong klaseng luto ba iyon, ang medyo maayos-ayos lang ata ang itsura ay ang ham and bacon.
Nang bigla naman kaming napatingin sa likod dahil sa malakas na tawa ni Matt kaya naman isang matalim na tingin ang iginawad ni Evan dito dahil sa ginawa nitong pagtawa.
"Nag-aaral pa lang akong magluto kaya ganyan pa ang itsura niyan!" Pagtatangol ni Evan sa sarili kahit na wala naman kami pareho ni Matt sinasabi.
Muli siyang tumingin sa'kin na ngayon ay ngiting-ngiti nanaman. "Upo ka na." Aniya sa'kin na inalalayan pa niya akong makaupo na ikinataas na lang ng kilay ko.
'Ano kayang nakain ng kumag na ito'
Nang mapadako naman ang tingin ko kay Matt na umupo na rin sa harap ko. Binigyan niya ako ng makahulugang tingin na tumataas-taas pa ang kilay na itinuturo si Evan pero hindi ko na lang iyon pinansin.
"Safe ba itong kainin?" Nag-aalalang tanong ko kay Evan dahil sa mga itsura ng niluto niya. Actually ayaw ko naman kainin 'tong niluto niya hindi dahil sa itsura nito kundi dahil hindi naman kami magkaibigan o close para ipagluto pa niya ako ng almusal pero dahil nasa good mood ako at ayaw kong makipagtalo sa kanya ay hahayaan ko na lang muna siya.
"Oo naman!" Mabilis na sagot niya saka tumusok siya ng hotdog para ibibigay sana sa'kin pero agad ko siyang pinigilan.
"Ayaw ko niyan!" Sabi ko kaya agad din niyang ibinalik ang hotdog saka saglit na nag-isip.
"Hmmm... ok sige ito na lang –" Aniya na ang ham naman ang kinuha niya para ibigay sa'kin. Hindi na ako komontra. "Tikman mo na." Saad niya ng mailagay na niya ang ham sa plato ko.
"Syempre lasang ham yan." Biglang sabi ni Matt kaya napabaling ako sa kanya ng tingin na nakangiti. "As if naman mag-iiba ang lasa niyan!" Dagdag pa nito.
Sinamaan naman ng tingin ni Evan si Matt dahil sa sinabi nito.
"Ano ba kasi ang nakain at nagluto ka ng almusal?" Tanong ko na lang kay Evan para maagaw ang atensyon nilang dalawa, baka magkainitan pa kasi ang dalawang 'to.
BINABASA MO ANG
Rewrite the Star (Editing) Completed
RomanceThree years pagkatapos maghiwalay nina Selene at Evan ay bigla lang sumulpot ulit sa buhay at bahay ni Selene ang Ex-husband. Anong dalang gulo ni Evan sa buhay ni Selene? May second chance pa kaya ang lovestory nilang dalawa? Formerly: Living with...