CHAPTER 16

2.8K 60 4
                                    

CHAPTER SIXTEEN

EVAN'S P.O.V

Nang tumakbo palabas si Selene ay bigla kong nasabunutan ang sarili ko.

"Bakit ko nagawa 'yon?!" Pagsisisi ko.

You're so stupid talaga Evan!

Siguradong sa mga oras na ito ay galit na galit na sa'kin si Selene.

Napasalampak na lang tuloy ako ng upo sa kama na nakapwesto sa may kabilang gilid.

Nang makaupo na ako sa kama ay napahawak ako sa aking labi at wala sa sariling napangiti ako kahit namomoblema, dahil I can still taste the sweetness of Selene's lips.

Oh! I miss those lips....

"Why did she respond?" Biglang tanong ko sa aking sarili dahil sa naalala kong paresponde ni Selene sa halik ko.

Ang inis sa sarili na naramdaman ko bigla ay nawala dahil sa malaking katanungan na iyon na gumulo sa utak ko.

Mahal pa rin din ba niya ako?

Bigla akong nakaramdam ng tuwa dahil sa naisip ko na iyon. Kung totoo man nga ang naiisip ko ibig sabihin may pag-asa pa talaga ako kay Selene.

Kailangan ko itong ayusin, kailangan kong kausapin si Selene ng masinsinan.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa kama para sundan sana si Selene at kausapin siya pero paglabas ko sa pinto ay natanaw ko siya na hindi naman lumayo at tanging naupo lang sa ilalim ng puno ng mangga.

Nanatili lang muna akong nakatayo dito sa may pinto at saglit na nag-isip.

Siguro mamaya ko na lang kakausapin baka kailangan muna niyang mapag-isa para makapagisip-isip.

Sabi ko sa sarili ko kaya muli na lang akong bumalik sa loob at naupo na lang muna sa sofa habang hinihintay kong bumalik siya.

SELENE'S P.O.V

Gusto ko pa sana magstay pa dito sa ilalim ng puno ng mangga at mag-isip pa ng medyo matagal-tagal pero pinapapak na ako ng mga lamok kaya wala na akong magagawa kundi ang bumalik na lang sa loob ng bahay.

Pero kahit papaano ay nakapagisip-isip na rin naman ako at medyo nalinawan na rin ang isip ko kung ano ang gagawin ko hingil sa nangyari kanina.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa ugat ng puno ng mangga saka naglakad na ako pabalik sa bahay.

Pagkabukas ko ng pinto ay nagulat ako ng mabungaran ko si Evan na nakaupo sa sofa. Agad pa siyang napatayo ng makita ako.

"Selene..." Nasambit niya ng pagkakita sa'kin. "Can we talk?" Agad na dugtong na tanong pa niya.

Tumango ako. "Sige... I think kailangan nga natin mag-usap." Sang-ayon ko saka lumapit ako sa single seat na sofa at doon naupo. Nang makaupo na ako ay muli na rin naupo si Evan.

"Gusto kong magpaliwanag tungkol sa sinabi ko sa'yo kanina." Umpisa niya at ako naman ay nakatingin lang sa kanya at pinapahiwatig na handa akong makinig kung ano man ang gusto niyang sabihin.

"Totoo ang mga sinabi ko na iyon...." Muling wika niya. "Mahal pa rin talaga kita at kahit isang sigundo ay hindi naman nawala ang pagmamahal na iyon."

Wala akong naging ano mang reaksyon sa sinabi niya. O mas tamang sabihin na pinipigilan kong magpakita ng reaksyon. At ang totoo ay nakaramdaman ako ng tuwa dahil sa mga sinabi niya.

"Bumalik ako sa buhay mo para ayusin ang lahat, magpaliwanag at itama ang lahat..." Pagpapatuloy niya. "Hindi kita pinatritripan lang o ano pa man... ang gusto ko lang na mangyari ay bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon."

Rewrite the Star  (Editing) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon