CHAPTER 2

6.8K 114 0
                                    

"Selene, sige na naman, hindi ka ba talaga naawa sa'kin." Habol na pagmamakaawa ni Evan habang pasakay ako ng kotse.

Hindi talaga kasi ako pumayag sa gusto niyang mangyari na makikitira. No way!

Padabog akong humarap sa kanya at namaywang. "Bakit noon ba naawa ka sa'kin 'nung nambababae ka pa kahit kasal na tayo!" Matigas kong turan.

Ayaw ko na sanang ungkatin ang nakaraan pero kusang lumabas 'yon sa bibig ko.

Hindi naman na ako galit sa kanya, sa tagal na nang nangyari na 'yon ay wala na sa'kin 'yon, talagang dala lang ng inis kaya naungkat ko ang pangyayari na 'yon.

Mga bata kasi kami ng mga panahon na 'yon, we were just 19 years old nang magpasya kaming magpakasal—kakagraduate lang namin pareho ng senior highschool noon.

Dahil inlove na inlove kami sa isa't-isa ay akala namin ay kaya na namin ang buhay mag-asawa pero hindi pala gan'on kadali kaya nauwi rin kami sa hiwalayan.

Akala ko ay mature na kami para harapin ang panibagong yugto ng buhay namin pero ang hindi ko inaasahan, sa tagal na namin ni Evan na magkarelasyon ay kung kailan pa kami ikinasal ay doon pa siya namababae.

Pero okay na ako ngayon. I swear.

"Wow! Ano to history!?" Reklamo n'ya na nakangiwi pa. "Pinagsisihan ko na naman ang nagawa ko sayo saka nag-sorry na rin naman ako ha, ikaw lang naman 'tong nagmamatigas –"

"Nagmamatigas talaga!? Pagmamatigas ba 'yon pagpapatawad ko sa'yo?"

"Ahh oo nga pala pinatawad mo na ako—" Sarkastikong anito. "Pero sigurado akong deep inside ay galit ka pa rin sa'kin at kunwarian lang ang pagpapatawad mo! Dahil kung talagang pinatawad mo na ako ay hindi mo 'ko iiwasan sa loob ng tatlong taon."

"Wait ah! Excuse me, hindi kita iniiwasan –"

"Grabe! Halatang halata nga, kaya pala kapag nagkakaroon ng get together ang batch natin ay hindi ka sumasama—lagi kang wala."

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa tinuran niya. "FYI lang ha may mga valid reason naman ako kaya hindi ako nakakasama." Sagot ko na tinaasan ko pa siya ng kilay.

Totoo naman talaga kasi, like six months after namin maghiwalay, biglaan na nagkaroon ng get together ang mga batch namin pero nagkataon naman na nasa Japan ako kaya hindi ako nakapunta, then nang sumunod naman nasa Cebu ako tapos 'yung pangatlong beses na hindi ako nakasama ay nasa Ospital si Papa kaya hindi rin ako nakapunta, tapos nitong huli naman ay may importante akong meeting with the client. Valid reasons naman yon 'diba?

Ano naman kasi ang magagawa ko kung nakakataon na busy ako sa tuwing nagseset sila ng get together. Kung hindi naman ako busy pupunta naman talaga ako e.

"Talaga lang ha, o sadyang talagang hindi ka pa nakakamove on—"

"Wow ang kapal talaga ng mukha mo ano! FYI lang matagal na akong nakamove on sayo!" Singhal ko. "'Wag kang feeling!"

Ngumisi s'ya. "Well, kung talagang nakamove on ka na, hindi ba dapat wala nang issue sayo ang pagtira natin sa iisang bubong unless na lang—" Mas lumapad ang pagkakangisi n'ya. "Kung natatakot ka."

"Nakatatakot? Bakit naman ako natatakot? Ano naman ang ikakatakot ko!?" Halos mapatid ang ugat ko sa leeg sa sobrang gigil.

He's getting into my nerve! Nanggigigil ako! Sobra.

Hindi ba dapat magmakaawa s'ya dahil may kailangan s'ya pero bakit iniinis n'ya ako.

Oh! This must be his strategy! Well, hindi ako magpapadala sa pang-iinis n'ya. Manigas s'ya pero hindi ko s'ya tutulungan.

Rewrite the Star  (Editing) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon