CHAPTER ELEVEN
EVAN'S P.O.V
Kahit masakit ang pagkakasipa sa'kin ni Selene ay ok lang dahil kahit saglit naman ay muli ko siyang nayakap. Sobra ko na talaga kasing namiss ang yakapin siya kaya naman mas tinalo pa ng tuwang nararamdaman ko ang sakit ng pagkakasipa niya sa'kin kaya para akong baliw dito na ngumingiti mag-isa.
Kung maiibalik ko lang sana ang panahon ay hindi sana ako nagpakatanga noon at pinairal ang pride ko e, di sana hindi ganito ang sitwasyon namin ni Selene ngayon, baka nga may anak na sana kaming dalawa.
Napalitan tuloy ng mapait na ngiti ang masasayang ngiti ko at hindi ko rin maiwasan na hindi mapabuntong hininga ng malalim.
'So stupid Evan'
Pero wala na akong magagawa, ganun talaga ang buhay kung kailan huli na ang lahat ay saka pa lang natin marerealize ang mga maling desesyon na nagawa natin. Kung nag-effort lang sana ako ng noon. Hay!
Pero hindi ko na dapat inaalala pa ang mga maling desesyon ko noon dahil ang mas importante ay ang ngayon at ang dapat kong isipin ay kung papaano ako makakabawi kay Selene at maitama ang lahat.
Mula sa pagkakaupo sa sahig ay tumayo na ako't naglakad na papasok ng bahay habang may ngiti na ulit sa mga labi.
Habang naglalakad ako papasok ng bahay ay nagiisip ako ng plano....plano para maka earn ng pogi points dahil sa tingin ko ilang araw na mawawala ang kaibigan ni Selene na si Matt kaya dapat sulitin ko ang mga araw na wala ito.
Panira din kasi ang lalaking yon at lagi pang nakadikit kay Selene kaya hindi ako masyadong makaporma.
* * * * *
"Selene...." Malambing na tawag ko kay Selene pagkapasok ko ng bahay. "Selene..." Muling tawag ko sa pangalan niya dahil hindi siya sumasagot pero wala pa ring sagot kaya naisip ko na baka nasa kwarto na niya siya.
Kaya naglakad ako papunta sa kwarto niya, nang makarating na ako sa harap ng pinto ng silid niya ay huminga muna ako ng malalim saka lumunok saka muling hinga ng malalim at saka pa lang ako kumatok sa pinto pero hindi siya sumasagot.
"Selene..." Tawag ko na sa pangalan niya pero walang pa ring sagot. "Selene sumagot ka naman diyan, alam kong nasa loob ka..." Kahit hindi siya sumasagot ay nagpasya akong kausapin pa rin siya.
"Galit ka ba?" Tanong ko dahil baka galit siya dahil sa ginawa kong pagyakap sa kanya kanina-kanina lang. "Namiss lang naman kasi kitang yakapin kaya nagawa ko 'yon." Pangangatwiran ko sa ginawa ko kanina.
"Sana maintindihan mo ako,..." Pagpapatuloy ko pa dahil wala pa rin siyang kaimik-imik.
"Selene.... Alam ko mahirap paniwalaan itong sasabihin ko pero sana maniwala ka ...." Hindi ko alam kung saan ba ako kukuha ng lakas ng loob pero kailangan ko nang sabihin ito sa kanya para wag niyang isipin na baka pinagtitripan ko lang siya.
Alam kong hindi niya ikakatuwa ito pero sa tingin ko ay mas mainam nang sabihin ko na ngayon kesa patagalin ko pa. Hindi ko rin alam kung papalaalisin ba niya ako sa sasabihin ko pero bahala na si batmam.
BINABASA MO ANG
Rewrite the Star (Editing) Completed
RomanceThree years pagkatapos maghiwalay nina Selene at Evan ay bigla lang sumulpot ulit sa buhay at bahay ni Selene ang Ex-husband. Anong dalang gulo ni Evan sa buhay ni Selene? May second chance pa kaya ang lovestory nilang dalawa? Formerly: Living with...