CHAPTER FOURTEEN
EVAN'S P.O.V
"Hindi ko lubos maisip na kayang gawin iyon ni Dana." Hindi makapaniwalang reaksyon ni Warren pagkatapos ko ikuwento sa kanya ang tungkol sa mga ginawa ni Dana.
"Maski ako hindi rin ako makapaniwala noong una na kaya niyang gawin ang lahat ng iyon pero...." Isang malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan ko bago ko ipagpatuloy ang aking sinasabi. "...sadyang may mga tao talagang akala natin ay kilala na natin pero ang totoo ay hindi pa pala."
Napatango-tango na lang si Warren tanda ng pagsang-ayon niya sa sinabi ko.
"So ano ang plano mo niyan ngayon?"
Muli akong napahinga ng malalim. "Habang hindi ko pa alam kung nasaan siya ngayon, baka naman may alam kang safe na place na pwede naming tirhan muna ni Selene.. Hindi ko kasi alam kung ano pa ang kayang gawin ni Dana."
Saglit na napaisip si Warren. "Ok.. may alam akong lugar, matutulungan kita diyan." Maya-maya'y nakangiting sagot niya. "...Pero ano pala ang gagawin mo kapag nalaman mo na kung nasaan si Dana?"
Saglit akong natigilan sa tanong niya dahil ang totoo ay wala pa rin akong plano kung ano ang gagawin ko kung sakaling malaman ko nga kung nasaan si Dana ngayon.
"Well, bro alam mo naman siguro na hindi kita matutulungan kung sakaling mahanap natin si Dana dahil may batas tayong sinusunod at hindi ko siya pwedeng arestuhin without warrant and probably hindi tayo makakuha non dahil wala tayong ebedensya against her." Wika pa niya ng hindi ako umimik.
"I know bro." Mahinang sagot ko. "Saka ko na lang pag-iisipan kung ano ang gagawin ko basta ang importante ngayon ay madala ko muna si Selene sa isang ligtas na lugar."
Tumango-tango naman si Warren ng biglang kumunot ang kanyang noo. "Teka lang... E, 'di ba hindi alam ni Selene ang tungkol sa pinag-gagawa ng pinsan niya paano mo siya mapapasunod sa plano mo?"
Napakamot naman ako sa ulo dahil sa tanong niya. "Well, isa pa 'yan bro ang ihingi ko rin sana ng tulong sayo..." Sabi ko sabay ngiti. Napailing-iling na lang tuloy si Warren.
SELENE'S P.O.V
"Ano?!" Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi ni Evan. "Anong pinagsasabi mo?" Wika ko pa dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
"Totoo nga, kahit tanungin mo pa si Warren." Sagot ni Evan na itinuro pa ang kaibigan.
Kilala ko rin si Warrenr dahil nakakasama ko rin siya dati kapag lumalabas ang buong barkada namin ni Evan before.
Napadako tuloy ang tingin ko kay Warren at punong-puno ng katanungan ang mga matang tinitigan ko siya.
"Totoo ang mga sinabi ni Evan Selene." Pagkomperma nito sa sinabi sa'kin ni Evan.
Mas lalo tuloy lumalim ang pagkakakunot ang noo ko. "That's so imposible, baka naman nagkakamali kayo."
"Selene, kahit panoorin mo sa CCTV ikaw talaga ang pinoponterya ng namaril."
"Papaanong mangyayari yon e, wala naman akong naging atrasaso kahit kanino!" Naguguluhan na saad ko.
Totoo naman kasi wala naman akong natatandaan na naging atraso ko kahit kanino para pagbantaan ang buhay ko.
BINABASA MO ANG
Rewrite the Star (Editing) Completed
RomanceThree years pagkatapos maghiwalay nina Selene at Evan ay bigla lang sumulpot ulit sa buhay at bahay ni Selene ang Ex-husband. Anong dalang gulo ni Evan sa buhay ni Selene? May second chance pa kaya ang lovestory nilang dalawa? Formerly: Living with...