CHAPTER 13 (PART 2)

3K 56 7
                                    

CONTINUATION ......

"Pero bakit?! Si Selene, Si Selene.... Si Selene na lang lagi ang bukang bibig mo at ang laging napapansin mo!!!!" Biglang nanlisik ang mga mata niya. Bigla tuloy akong nakaramdam ng takot dahil ngayon ko lang siya nakita na ganito. "Hindi ba pwedeng ako naman!"

Napalunok ako bigla dahil sa kakaibang kabang naramdaman ko.

"Dana.... Pag-usapan natin ng maayos ito" Sabi ko sa kanya na mas lalong lumakas pa ang kabang nararamdaman ko. "Pero please let me call Selene first." Dugtong ko na pakiusap naman sa kanya.

Pero tinitigan lang niya ako ng masama and said. "NO!"

Nang biglang nagbago ang ekpresyon ng kanyang mukha. "Wait... ok sige papayagan kitang kausapin si Selene pero you have to promise me first na from now on boyfriend na kita." Anito na ikinagulat ko.

What?! She wants me to be her boyfriend?

Awtomatikong napailing-iling ako sa gusto niyang mangyari. "Dana... may asawa na ako.... at ang asawa ko ay pinsan at bestfriend mo..."

"I don't care... I'm willing to be your mistress!" Putol niya sa sinasabi ko.

Ang kabang nararamdaman ko kanina ay napalitan ng galit.

"Dana! Stop this nonsense thing!" Galit na utos ko.

Nagsalubong naman ang kilay ni Dana. "Nonsense! How could you..." Sabi niya na hindi na niya itinuloy at biglang umaliwalas ang kanyang mukha.

"Evan pag-isipan mong mabuti ito, I am offering myself to you.. Papaligayahin kita... I will never demand anything from you... basta mahalin mo rin ako katulad ng pagmamahal mo kay Selene." Sabi niya na nakangiti.

Dahil sa sinabi niya ay napabangon na ako bigla sa kama para lumabas na sana dahil hindi ko na alam kung saan pa hahantong ang pinag-uusapan namin na ito pero agad akong napahinto dahil sa biglang paglabas niya ng baril at itinutok sa'kin.

"Dana... ibaba mo nga yan!" Mabilis na utos ko sa kanya pagkakatutok niya ng baril sa'kin pero tinitigan lang niya ako matalim.

"Ang dali-dali lang naman ng gusto kong mangyari pero bakit hindi mo kayang gawin!" Galit na aniya habang nakatutok pa rin sa'kin ang baril.

"I am willing to be you mistress pero bakit ayaw mo? Anong kulang sa'kin? Anong wala sa'kin?" Patuloy niya.

"Because I don't love you.." Mahina pero matigas na sagot ko.

"You don't love me? Why?! – Bakit hindi ako ang minahal mo samantalang...."

Ituro niya ang kanyang katawan. "Mas maganda ang katawan kesa kay Selene.."

Saka itinuro naman niya ang kanyang mukha. "Mas maganda ako kesa sa kanya...."

At ang sentido naman niya ang kanyang tinuro. ".. at higit sa lahat mas matalino naman ako kesa sa kanya pero bakit?!" Pagiisa-isa niya ng katangian na alam niyang mas higit siya kesa sa asawa ko.

"Dana... wala naman yang kung mas maganda ka o mas matalino ka dahil puso naman ang nakakaramdam hindi ang mata kaya para sa'kin si Selene lang ang pinakamaganda at perfect kahit kanino pa man." Sagot ko naman na mas iginagalit niya

"That's bullshit!!!!" Galit na sigaw niya sabay hinawakan niya ng dalawang kamay ang baril at inasinta sa ulo ko kaya mas lalo akong kinabahan.

"Dana... Dana... please calm down..." Sabi ko sa kanya para medyo uminahon siya pero hindi siya nakinig at lalo pang tumindi ang galit niya.

"This is your last change... Tatangapin mo ba ang alok ko o hindi?"

"Dana... Hindi ko kayang lokohin si Selene –"

"Pwes kung hindi ka magiging akin hindi ka rin magiging kanya –" Putol niya sa sinasabi ko. "Hindi ko hahayaan na maging masaya kayong dalawa!" Dagdag pa niya at pagkatapos niyang sabihin iyon ay walang sabi-sabi na mabibigat ang paang naglakad na siya palabas ng kwarto.

Nakahinga naman ako ng maluwag na lumabas na siya at hindi ko na lang pinansin ang banta niya.

_______

Pero ang hindi ko inaasahan ay totohanin pala talaga ni Dana ang kanyang banta na iyon at paguwi ko sa bahay ay galit na galit na sa'kin si Selene na itapon pa sa mukha ko ang mga larawan kung saan ay makikitang natutulog ako na may katabing ibang babae na hindi kita ang mukha pero sigurado akong si Dana iyon dahil sa suot nitong nighties na siya ring suot ni Dana kani-kanina lang.

Kitang-kita ko ang pasimpleng ngisi ni Dana at matatalim na tingin sa'kin na nasa tabi Selene.

Sinubukan kong magpaliwanag kay Selene pero hindi niya ako hinayaan at galit na pinalayas sa bahay na sinunod ko na lang muna dahil alam kong galit pa siya at plano kong kinabukasan ko na lang siya kakausapin ulit.

Pero nang kinabukasan na ay hindi ko na nagawang magpaliwanag dahil nagpasya na si Selene na maghiwalay na kaming dalawa na ikinasama ng loob ko dahil sa basta-bastang pagdedesesyon niya na hindi man pinapakingan ang paliwanag ko.

Pero mas matindi ang galit ko kay Dana dahil sa ginawa niya.

"Hindi ko alam na ganito ka pala kasama!" Kompronta ko kay Dana ng magkaroon ako ng pagkakataon.

Ngumisi lang siya sa'kin. "Binigyan kita ng pagkakataon na magdesesyon para sa ikakabuti ng lahat pero mas pinili mo ang kaligayahan niyo lang na dalawa kaya –" Umarko pa ang kilay niya. " – Sorry ka na lang dahil hindi ko hahayaan na kayong dalawa lang ang masaya!"

Napakuyom ako ng kamao. "Maghintay ka lang at ibubunyag ko kay Selene kung gaano ka kasama!"

Humalakhak lang siya. "Yon kung maniniwala pa sayo ang pinsan ko." Sabi niya na mas lalo pang lumakas ang halakhak. "Kaya kung ako sayo wag na wag mo nang subukan pa...." Ani pa niya. 

Nang bigla niyang dinuro ako. "At ito ang tandaan mo.. kapag nabalitaan ko na lumalapit ka ulit kay Selene at pilit na makipag-ayos sa kanya... papatayin ko siya!" Banta pa niya na ikinabigla ko.

Hindi ko kasi inaasahan na magbabanta siya ng ganoong bagay lalong lalo na sa pinsan pa niya. Kaya hindi ako nakaimik at nakatulalang nakatayo lang habang nakakuyom ang mga kamao ko samantalang si Dana naman ay mabilis nang naglakad palayo sa'kin na nakangisi.


©2018

Rewrite the Star  (Editing) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon