CHAPTER 6

4.5K 85 2
                                    

CHAPTER SIX

EVAN'S P.O.V

"So ano naman ang problema mo dun?" Tanong sa'kin ni Jay nang magkita kami at ikuwento ko sa kanya ang pagtira ng kaibigan na lalaki ni Selene sa bahay niya.

"Syempre lalaki 'yon tapos papatirahin niya sa bahay niya." Sagot ko.

"O, tapos?" Muling tanong niya na hindi ko alam kung nang-aasar ba.

"O, tapos, syempre ang pangit tingnan saka babae siya tapos magpapatira siya ng lalaki sa bahay niya!"

"Wow bro, ikaw nga pinatira niya sa bahay niya tapos ngayon magrereklamo ka na nagpatira siya ng lalaki –"

"Bro, iba naman ang sitwasyon namin. Ex husband niya ako kaya wala naman masama 'don –"

"Pero malay mo boyfriend niya pala yong lalaki na yon kaya mas lalong walang masama don, diba?"

Isang matalim na tingin ang agad kong ipinukol sa kanya dahil sa sinabi niya.

"O, bakit ganyan ka makatingin? Sinasabi ko lang naman ang posibility..." Depensa agad ni Jay sa sarili.

"Hindi niya boyfriend yon!" Matigas na pahayag ko.

"Wow bakit apektado ka?" Tanong niya na hindi ko na pinansin dahil itinuon ko na ang tingin ko sa labas at napaisip ng malalim.


SELENE'S P.O.V

Bigla akong napatingin kay Matt dahil sa sinabi niya.

"Ano?!" Hindi makapaniwalang reaksyon ko dahil sa sinabi niya. "That's nonesense!" Dugtong ko pa sabay tawa.

"Oo nga, lalaki ako kaya alam ko!"

Mas lalong lumakas ang tawa ko. "Pwede ba Matt hindi magandang biro yan!" Saad ko sa gitna ng pagtawa ko.

"Hindi nga ako nagbibiro Selene.... Mahal ka pa ng Ex mo kaya kung ako sayo, iwasan mo na siya."

"Matt pwede ba tigilan mo yan at hindi na nakakatuwa. Kilala ko si Evan kesa sayo at sinasabi ko, wala na yon nararamdaman para sa'kin....." Muli kong pangkokontra sa sinabi niya. "....saka kung mahal pa niya ako e, di sana noon pa lang ay gumawa na siya ng paraan para magkabalikan kami." Dugtong ko pa sabay isang mapaklang ngiti.

"Do you still love him?" Tanong niya bigla na hindi ko inaasahan kaya natulala akong nakatingin lang sa kanya.

"No!" Sagot ko naman agad ng makabawi ako sa pagkagulat sa tanong niya.

"Are you sure?"

"Yes of course!"

"Mainam! Sinaktan ka niya noon kaya 'wag ka ulit magkakamaling mainlove sa kanya!" Matigas na pahayag niya.

Ngumiti na lang ako sa sinabi niya para at hindi na sumagot pa para matigil na kami sa topic na yon.

Isa na rin kung bakit hindi na rin ako kumibo dahil kilala ko naman ang sarili ko na hindi ko na inuulit ang isang pagkakamali kaya never na ulit akong maiinlove kay Evan.


* * * * * *

"Anong ginagawa mo dito?" Nakasalubong ang kilay na tanong ko kay Evan ng mabungaran ko siya sa labas ng opisina namin habang palabas ako.

Rewrite the Star  (Editing) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon