CHAPTER 2:She's Blessed

201 14 0
                                    

"Porsche? Si nerdy Yun di ba?!

"Wow! As in wow!

"She really did?

"Ang swerte mo namang babae ka at una ka nanaman sa listahan. Bati ni Shanara Benz habang masaya akong nakangiti sa harap ng bulletin board.

"Tsss, Hindi mo masisira yung araw ko! bleeeeehh!" Sabe ko saka ako umalis sa siksikang mga studyante mula sa announcement board ng bigla akong matumba dahil sa pagbangga ko sa kung sino.

"Araaaay! Tsk. Bakit ba ang daming gustong sumira ng araw ko? -___-

"Next time tumingin ka sa daan." Plain nyang sabe. Natigilan ako dahil kahit tabingi ang salamin ko ay malinaw at kitang kita ko ang kagwapuhan ni Yuno Lee.

Hindi pa ko agad nakatayo at tila nawala ako sa ulirat ng makita ko sya kaya tinapik nya ko gamit ang paa nya saka nakitingin sa announcement board. Bahagyang gumilid ang ilang studyante to give him way, tsss kanina nung ako halos hindi nila ko padaanin pero pag si yuno myloves kahit di sya magsalita e tatabi talaga sila -_____- Tao rin naman ako di ba? Hindi nga lang halata.

"Porsche Ezra Xenia?" Rinig kong bigkas ni Yuno kaya tumayo ako mula sa pagkakatumba. Di ko pa naiwawagwag yung uniform ko ng lumapit sakin si Yuno my loves.

"Ikaw ba yung rank 1 sa surgeon examination?" Plain nyang tanong medyo matapang ang pagkakatanong nya kaya napalunok ako.

"O-o?"

"How come? Bata ka pa hindi ba?" Tanong nya dahil nakakapagtaka nga naman sa kanya dahil di nya alam na accelerated ako.

"Ilang beses kase ako na accelerate simula elementary hanggang college kaya nakakuha na ko ng isang course sa gantong edad, kaya ngayon nag aral ulit ako ng interior design para sa sarili kong pangarap."

"Ah okay. Impressive huh? Good luck." Sabe nya saka naglakad palayo. Nabuhayan ako dahil sa bati nya, Mas dumoble tuloy ang saya ko.

"Impressive so bilib kana sakin ha?" Masaya kong tanong habang hinahabol sya.

Hindi sya sumagot at patuloy paring naglakad. Mabilis sya maglakad pero malapit ko na syang maabutan ng mapatigil ako dahil sa nakita ko.

Isang magandang babae ang sumalubong at humalik kay Yuno. At sya ay si Aliyah Meyer the famous model and endorser of the campus.

Napalunok ako dahil ang sweet nila tignan humawak si Aliyah sa braso ni Yuno saka sila naglakad. Akala ko ba ayaw pang magka girlfriend ni yuno? Tsaka wala akong nabalitaang niligawan nya si Aliyah. :(

"Siguro isa sya sa mga babaeng pinangpapalipas oras nya?" Sabe ko para kumbinsihin ang aking sarili na hindi ako dapat masaktan.

It's painful to think that I don't have the right to feel this way :(

Kinuha ko ang checklist ko saka ko ito tinignan. Pilit kong pinalakas ang loob ko saka sinabing ikaw yung pinagdadadasal ko Yuno kaya naniniwala akong ibibigay ka ni Lord! malapit na makumpleto yung checklist ko kaya hindi ako susuko.

"Ano masakit ba?" Mataray na tanong ni Shanara Benz.

"Tsss, Alam mo? ikaw lumayo layo ka sakin ha? baka hindi kita matansya at baka operahan kita ng gumanda yang ugali mo!

"E kung ako kaya ang magopera sayo ng gumanda yang pangit mong mukha?!" Gigil nyang sabe saka hinawakan ang buhok ko.

"Hey! What are you doing?! Leave her alone!" Sigaw ni Maximo saka lumapit samin.

"Bitawan mo ko!" ipit kong sabe kay Shanara dahil nasasaktan ako.

"Talagang bibitawan na kita, anlagkit kaya ng buhok mong panget ka!" Sigaw nya sabay bitaw sa buhok ko.

The Nerdys Checklist (How to Get the Famous Pogi)Where stories live. Discover now