Chapter 15: Cross destined

120 4 0
                                    

Isang lalaki ang nakita kong tumatakbo ng mabilis. Nakasuot ito ng puting uniform na pang nurse at pumasok sa fire exit. Mabilis ko itong sinundan dahil alam kong dapat sarado iyon, we are at the 3rd floor since wala naman akong gagawin mabilis ko itong hinabol para sabihing sarado ang fire exit na pinasukan nya.

Nakakapagtaka lang dahil dapat alam nyang sarado yon dahil nurse sya.

"Nurse?? Sigaw ko ng makita sya.

Tumigil ito saglit pero nakakapagtakang mabilis syang tumakbo pababa ng marinig ako.

"Sandali lang! Sarado ang daang yan! Sigaw ko saka sya hinabol. Elevated shoes ang suot ko kaya nahirapan akong bumababa ng magkamali ako ng hakbang at natumba ako.

"Ouchh! >.<

Tinignan ko ang binti ko, may konting gasgas at pamumula ang tuhod ko dahil sa pagkakabagsak ko. Hindi ko na inaasahang maabutan ko pa ang lalaki dahil tila nagmamadali talaga sya pero maya maya ay nakita ko syang naglalakad pabalik papunta sakin.

Lumapit sya at inalalayan ako patayo. Hindi naman ako gaanong nasaktan sa pagkakatumba, pero nakita ko ng malapitan ang mata ng lalaking tumulong sakin na kanina ay nagmamadaling bumaba.

May suot itong surgical mask and Surgical Gloves. Pero kilala ko ang mga matang nakikita ko ngayon. Hanggang sa namalayan kong nakalabas na kami sa fire exit habang nakahawak sya sa bewang ko.

"I think you need to check your ankle baka napuruhan yan or what. Mahina nyang sabi at dito ko nasigurong si yuno nga ang lalaking ito. Hindi ako pwedeng magkamali, kilala ko ang boses nya.

Aalis na sana sya pero hindi ko napigilan ang sarili ko.

"Yuno?? Sambit ko sa harap nya. Hindi pa man natatanggal ang mask nya sigurado na kong si yuno ito.

He took a deep breath saka tumalikod at akmang aalis.

"Yuno sandali. Nanghihina kong tawag sa kanya.

"Bakit ganyan ang suot mo? Hindi ka naman nurse db? W-wag mo sabihing Nagpapanggap ka? Tumigil lang sya sa paglalakad pero nanatiling nakatalikod sakin.

"Yuno Anong ginagawa mo bakit nagpapanggap kang nurse? Nalilito kong tanong.

"It's none of your business Porsche.

Natigilan ako sa sagot nya. His answer seems new, but familiar. Kilala nya ko? I mean. Nakikilala nya ko? But how? At kaylan pa? 

Lumakad sya paalis at hindi na ko nakapagsalita dahil sa sagot nya. All this time akala ko di nya ko nakikilala pero mali ako.

Nawala na sya sa paningin ko at hinayaan ko lang syang makaalis. Nalilito ako.

"Ms. Ezra?? Nakita kong dumating si jazz pero nanatili akong nakatayo dahil hindi pa din nagsisink in sa utak ko ang nangyayare.

"Jazz? Si yuno.

"Yuno? Who is that? Wait, namumutla ka. Are you okay??

"Jazz kilala nya ko.

"What are you saying? Sandali nga halika dito at maupo. Huminga ka muna saka ka magsalita.

"Jazz? Ezra? Anong nangyayari bat namumutla si ezra? Tanong ni Bianca kay jazz.

"Actually I don't know. I saw her standing there and all she said is Yuno? Sagot ni jazz.

"Aba ezra yuno nanaman?! Singhal sakin ni bianca.

"Bianca you don't understand. He knows me! Nagtataka kong sagot.

"Ilang beses na kaming nagkasalubong sa daan and I though he doesn't recognize me but I was wrong.

The Nerdys Checklist (How to Get the Famous Pogi)Where stories live. Discover now