My first one month being a surgeon_______________________________________
"Congrats Ezra! Successful nanaman ang operation.
"By that, I think we need to celebrate?
"Mag bar tayo? Let's have some fun. And do some boy hunting?
"Wait, wait wait? Salamat nalang pero pass muna ko dyan sa celebration na yan ha?
"Ezra naman? Hospital, church at bahay nalang ba lagi? Come on!
"Tsss, Di nyo naman ako mapipilit no! Mas makakabuti kung ipapahinga ko nalang ang gabing to.
"Itong si Ezra ganda lang ang meron e, walang utak! ano sasayangin mo yang beauty na meron ka?
"Sam is Right pano mo mahahanap si Mr. Right kung di ka gagawa ng move?
"Lord will sent someone for me okay? sagot ko saka ko tinanggal ang uniform ko.
Oo, ganda nga lang siguro ang nakikita nila sakin at engot sa pag-ibig. Bago ko tuluyang pumasok sa hospital bilang surgeon ay tuluyan kong binago ang sarili ko. Wala ng eye glasses, kulot na buhok dry na balat at puro baby fats.
I Love being me. Yung ako at ang Diyos lang. Ilang buwan na rin simula ng layuan ko ng tuluyan si Yuno, hindi naman pala yon ganon kahirap gaya ng iniisip ko noon. Hindi rin naman ako nagbago para ipakitang sinayang nya ko, I just want to bury the broken Porsche and start another life as Ezra. Ang babaeng minsan ng winasak at binuo ng Panginoon.
Unti unti lang naman ang ginawa kong paglayo, pero months na ang lumipas simula ng tuluyan na kong nakalayo sa lahat ng dating ako.
Niligpit ko ang gamit ko saka pinunasan ang pawis dahil sa nagdaang operasyon. Ilang pasyente na rin ang dumaan sa mga kamay ko at lahat ng ito ay nagiging successful. I can't ask for more, matapos ko I-give up ang biggest dream ko noon much better things are now open for me at sagana ko itong tinatamasa ngayon. "My ways are not his ways" ika nga ni pastor.
"Hi miss! Napatingin naman ako sa kung sino dahil sa narinig ko kasabay ng pagkunot ng noo ko dahil sa matamis nyang ngiti sakin.
"A-ako ba ang kausap mo? tanong ko sabay turo sa sarili ko.
"Yass! wala ng iba. Sagot nya saka muling ngumiti.
"Ehem! Ezra aalis na muna kami ha? I think that cute guy has something to tell you. Bulong ni sam sa gilid.
"Ha? teka lang maaga pa oh! Sagot ko ng bigla silang umalis.
"Mukhang need nyo mag usap ni Mr. Cutiiee. Bulong ni sam saka tinapik ang balikat ko. Sumama na rin sila brandon at ang iba dahil sa palihim na pang aasar ni Sam, talagang gustong gusto nya kong ibugaw sa kung sinong lalapit sakin e noh >,<
"T-teka! Sasama ko sa lakad nyo later wag nyo lang ako iwan?
"Nahhh, Wag mo kaming lokohin. Mag usap muna kayo. Sagot nya saka nag thumbs up at umalis.
"Tssss.
"Kasamahan mo?
"Yep. May kaylangan po ba kayo sir?
"Wala? Napakunot ang noo ko dahil sa sagot nya. Parang unsure pa sya sa sinasabi nya.
"So bakit mo ko kinakausap? tanong ko.
Nakita kong natawa sya at napailing pa. "Actually I just want to say thank you.
"Thank you for what?
"Thank you for saving my fathers life. Nakangiti nyang sagot. Bahagyang lumabas ang dimples nya na nakakuha ng atensyon ko at dahilan para mapatitig ako sa kanya.
YOU ARE READING
The Nerdys Checklist (How to Get the Famous Pogi)
SpiritualWhat if miss Nerdy Girl fall inlove with a famous Heartbreaker? Magkakaspark kaya When Porsche is persistent to her FAITH? She's a warrior. She fight using her faith, she love using her faith, she's Strong because of faith, she's tough because of F...