Chapter 14: Room 13C

160 6 2
                                    

Naglalakad ako sa hallway ng makita ko ang sanasabi ni sam na Mr.Bozan actually meron akong masamang pakiramdam sa lalaking iyon at sa room 13C pero natatakot ako sa pagbabanta ni Sam.

Kilala ko si sam, minsan lang sya maging ganon kaya sigurado akong dapat kong seryosohin ang mga sinabi nya. Nakita ko si Dr.Lazaro ang pinaka magaling at matagal na doctor dito sa hospital, nakita kong galing sya sa room 13C kaya mabilis ko itong sinundan. Sinadya ko syang banggain para malaglag ang mga hawak nya.

"Ouch! Pasensya na Dr. Lazaro. Wika ko saka marahang pinulot ang mga papel na nalaglag sa folder nya. Ahm, Dr. Lazaro mukang nalagyan po ng tinta ang uniform nyo baka gusto nyo pong magpalit muna?

Maselan si Dr. Lazaro kaya sinadya kong dumihan ang white uniform nya. "Nako babalik pa ko sa pasyente ko sa room 13C mamaya nalang ako magpapalit after ko dalhin ang mga gamot doon maya maya lang. Sagot nya.

"Bakit po hindi nalang nurse ang utusan nyo? Masyado po bang special ang pesyente doon at kayo pa po talaga ang magdadala sa mga gamot nya? Pagtataka kong tanong.

"Oo ezra, special ang pasyente kong iyon kaya if you don't mind I'll go ahead at dadalhin ko pa doon ang mga gamot okay?

"Ahmm. Kasi Doc? May problema po ako. Palusot ko.

"Problema? Ano iyon? Tanong nya.

"Gusto ko po sanang humingi ng payo dahil napepressure na po ako.

"Napepressure? Bakit at saan? Nako ezra parang ngayon ko lang yata narinig na kaylangan mo ng tulong, you are independent at source ng wisdom dito satin hindi ba?

"Ahmm. Ikukwento ko po sa inyo pero para hindi po makaistorbo pwede po bang samahan ko nalang kayo sa pagkuha ng gamot?

"Ah sure pero I'm warning you special ang pamilya sa room 13C kaya be careful okay? Sagot nya saka nag umpisang maglakad. Mabilis akong sumunod kay dr. Lazaro at nag isip ng ikukwento sa kanya dahil gusto ko lang talaga makapasok sa Room13C.

"By the way, wear this mask and never ever take that off Ezra, since mapagkakatiwalaan ka naman wala naman sigurong masama kung isasama kita sa loob. But make sure na wala kang kahit anong pagsasabihan ng bagay na nasa loob ng kwartong iyon maliwanag ba? Mahina nyang sabi sakin habang inaayos ang mga gamot na dadalhin nya.

"O-opo doc. Sagot ko, hindi ko gustong magsinungaling pero andito na ko, chance na to at wala naman sigurong masama kung makikita ko ang nasa loob.

"Oh sige tutal hindi kapa nagkukwento hawakan mo muna itong mga record ko at medyo madami tong gamot na dala ko. Kinuha ko naman ang inabot nya saking record saka ako sumunod sa kanya papuntang room 13C.

Bahagya kong tinignan ang record pero wala naman akong nakitang espesyal sa record.

Medyo malakas ang tibok ng dibdib ko dahil sa kaba, una nagsinungaling ako kay dr. Lazaro ngayon naman makakapasok ako sa loob. Nang marating namin ang room 13c may nakita akong mga guards na nakabantay sa labas nito.

Kataka takang masyadong secured ang isang kwarto para sa isang pasyente. Napalunok ako ng tuluyan na kong makapasok sa loob nito.

Isang normal na kwarto, at normal na pasyente? Taka kong tanong sa aking sarili. Hanggang sa maya maya lang ay may dumating na ibang nurse, hindi sila taga dito sa hospital na ito iyon ang nasisiguro ko.

"Tulog pa po si Aurora doc. Hindi pa po sya nagigising mula kanina. Sabi ng isang babae na tila bantay nito.

"Aurora? Aurora pala ang pangalan nya. Sabi ko sa sarili ko. Gusto ko syang makita pero Hindi ako makalapit sa kanya dahil sa pitong nurse na nakapalibot sa kanya.

The Nerdys Checklist (How to Get the Famous Pogi)Where stories live. Discover now