Chapter 29: My Part

95 11 3
                                    

Yuno's POV.................................


Nakaupo lang ako sa labas ng kwarto ni Porsche habang naghihintay na makapag-isip isip sya. I didn't mean to offend her that way gusto ko lang naman tulungan sya bagay na hindi ko nagawa noon dahil sa takot at pag aalinlangan.

"Porsche, Hihintayin kitang lumabas. Hindi ka naman nakakapagod hintayin e."

Lumipas pa ang isang oras ay hindi pa din sya lumalabas at hindi pa din ako kinakausap tingin ko hindi sya gagawa ng bagay na hindi maganda. 

"Porsche ayos ka lang ba dyan? Sumagot ka naman o, dahil kung hindi sisirain ko tong pinto mo."

Narinig kong kumatok sya sa pinto, maybe that's the only answer she wants to give me as of now and that knock is very much fine to me. 

"Hm, natakot ka bang baka sirain ko ang pinto kaya ka sumagot?" Nakangiti kong sabi kahit nasasaktan ako dahil wala akong magawa to save her in pain, I know my presence is ain't enough to turn her pain into comfort. 

"Yuno." Mahina nyang tawag sakin kaya mabilis akong lumapit sa pinto at umupo sa lapag para makinig sa sasabihin nya, atleast for now pinto lang ang pagitan namin.  

"Yuno, kung noon palang alam mo na yung ginagawa ko bakit hindi mo ko niligtas agad bakit hindi mo ko agad tinulungan, bakit hinayaan mo pang umabot ako hanggang dito?"

"How can I save you if I am the reason why?"

"Tch, tama ka. Ikaw ang dahilan, Akala ko noon madali lang yung mga bagay bagay, Pero once you go deeper in your own thoughts the possibilities of being buried is there, and I can't find a way out."

"You know my story back then Porsche. By that hirap ako sa lahat, ang hirap sabihing mahal kita, ang hirap sabihing gusto naman talaga kita, ang hirap sabihing----

"Ang hirap kasi pangit ako, kasi malayo ako  sa ex-fiance mo? kasi I'm nothing against her, tama?" 

"Ang hirap kasi you set standards, your checklist makes me feel like I will never suit your standards. Hindi ka naman panget e, maganda ka noon palang inside and out. Kaya I wonder why you keep on saying that your ugly even though you're not. You are different from everyone and that makes you more beautiful."

"So it's my Checklist? Tama? Dahil sa checklist ko kaya ginawa mo sakin lahat yon?" 

"No, it wasn't your checklist Porsche." I answer plainly, mahirap aminin na kasalanan ko kaya umabot pa hanggang dito. It was me, and now porshe blaming herself.  

"Then what? Kung hindi ang kapangitan at ang checklist ko ano? Tell me, so that I may understand if I deserve all of this kasi masyado ng malayo yung narating nung galit ko sayo! hindi kita naiintindihan yuno, masyado nang malayo ang narating ng mga tinatago natin sa isat-isa" Sagot nya. 

"It was me. Ako ang may problema, I'm afraid that one day marealized mo na hindi naman pala talaga ako. Takot ako na isang araw magising ka bigla na hate pala yung nararamdaman mo sakin dahil sa pagkatao ko you don't know the real yuno behind this face kaya I'm afraid to tell you what I feel, you want a Godly man and I am very far from that."

"Tch. Napakababaw mong tao yuno, hindi ko alam pero nadidisappoint na ako sayo sa mga naririnig ko." 

"Tama ka porsche mababaw at duwag ako. Kaya ngayon tatapangan ko na. Porsche sana hayaan mong ako naman ang magtanong." 

Makalipas ang ilang minuto at hindi na ko nakakuha ng sagot mula sa likod ng pinto na nagsisilbing harang sa aming dalawa.

"Porsche, talaga bang hindi na ako?" Tanong ko pero hindi sya sumagot, hinayaan kong balutin kami ng katahimikan sa ilang mga sandali. Wala naman kasi akong karapatang magtanong dahil paulit ulit ko syang tinulak palayo. 

The Nerdys Checklist (How to Get the Famous Pogi)Where stories live. Discover now