#TNCL
Pagkatapos ko makita sila Yuno at aliyah kanina umalis na ko. Ayokong torturin ung sarili ko dahil sa kasweetan nilang dalawa. Pumunta ko sa likod ng library at nagbasa ng Holy Bible, my favorite book ever! Librong di nalalaos at best seller every year.
After reading I prayed, gaya ng lagi kong ginagawa umawit din ako ng papuri sa Panginoon. Nasa simbahan man ako o wala I will always sing for his grace kahit ano pang sitwasyon ko sa buhay, malungkot man ako o masaya I will keep on singing for the Lord most high ansarap kaya sa feeling! yung tipong kikiligin ka sa pag ibig ng Diyos. I'm definitely satisfied kaya si Yuno pinagdarasal ko nalang, I want him pero si Lord pa din ang magdedecide sa dulo.
Umawit ako, after nito ay nagdasal ako. I simply raise my hand and close my eyes dahil gusto ko magfocus ng maramdaman kong may tao sa paligid. I hear a silent voice out there hindi ko sana papansinin kaso there is something na parang kaylangan kong malaman kaya lumingon ako mula sa likod.
"Shanara? What are you doing here? Taka kong tanong hanggang sa napansin kong may hawak syang phone.
"I gotcha nerdy girl! sabe ko na nga ba may kakaiba sayong impakta ka e!
"Huh? what do you mean?
"Nag oorasyon ka noh? I saw what you did! you raise your hand and you are saying something! hindi ba gawain yan ng mga mangkukulam?!
"W-what?! nagdadasal lang ako shanara! well obviously baka nga hindi mo talaga ko maiintindihan dahil di ka marunong magdasal!
"Ah ganun? sige tignan natin kung hindi matatakot ang lahat after kong ilabas ang video na to!
"Shanara wait! tawag ko sa kanya after nyang tumakbo paalis.
Hindi na sya lumingon sakin at nagpatuloy lang sa pagtakbo. Hindi ko alam kung anong mali sa ginagawa ko but I feel strange?
Tumayo ako para kumain sa pantry. Nakita ko doon si yuno kasama si Aliyah, kumakaen sila pero nananatiling tahimik si Yuno. Habang si Aliyah naman ay panay kain at panay kwento, tssss. Mas bagay kaya kami ni Baby Yuno ko ❤
Maya maya nakarinig ako ng malakas na ingay mula sa likod ng pantry, nagkukumpulan yung mga studyante doon mapababae o lalaki nandoon.
Ano kayang pinagkakaguluhan nila don?
"Ayon pala si Mangkukulam e! sigaw ng isang lalaki habang nakaturo sakin. Napakunot ang noo dahil sa sinabe nya.
"Ako?
"Oo ikaw. Kaya siguro lagi kang nakakaangat at mukhang matalino sa klase kase satanista ka, gumagamit ka ng black magic noh?!
"Magkano mo ba sinanla ang kaluluwa mo para maging matalino ha? hirit pa ng isa.
"Nababaliw kana -____- Sagot ko sabay higop ng shake. Pinagsawalang bahala ko muna ang lahat. I'm not guilty any ways.
Hanggang sa napansin kong andaming nakatingin sakin, yung iba nagbubulungan at yung iba naman pinagtatawanan ako.
"Ano bang problema nyo? Inis kong tanong. Sanay na ko mapagtawanan pero iba pa yung ngayon.
Nakita ko si yuno na nakatingin sa phone nya nakakunot ang noo saka tumayo at lumapit sakin at hinarap ang phone nya.
"Congratss, Sikat ka nanaman. Wika nya saka ko nakita ang video ko habang nagdadasal kanina at nagpepraise and Worship mag isa sa likod ng library kasama ng caption na #Thepowerofilluminati, the Witch and evil spell of Porsche Ezra. She is in the middle of her rituals! the reason why she has a lot of achievements.
Hindi ako agad nakapagreact hanggang sa bawiin na ni yuno ang phone nya at umalis ng tahimik. Nakita kong hinabol sya ni Aliyah, gusto kong magpaliwanag. Gusto ko ipagtanggol ung sarili ko pero paano?
YOU ARE READING
The Nerdys Checklist (How to Get the Famous Pogi)
ДуховныеWhat if miss Nerdy Girl fall inlove with a famous Heartbreaker? Magkakaspark kaya When Porsche is persistent to her FAITH? She's a warrior. She fight using her faith, she love using her faith, she's Strong because of faith, she's tough because of F...