"Nagkita kayo ni Yuno?""Oo jazz, At marami syang pinagtapat sakin. All this time pala someone is working to have me ang weird lang sa feeling kasi nasanay akong inaayawan ng mga tao, sanay akong mag-isa."
"Porsche, bakit ba kasi hanggang ngayon si yuno pa din I mean look at you, you deserve someone better, hindi mo kaylangang ipilit ang sarili mo kanya."
"Hindi ko alam jazz, Basta sigurado akong sya din ang laman nito." Sabi ko sabay turo sa dibdib ko, gusto ko nanaman lokohin ang sarili ko na masaya ko kasi si yuno pa din ang gusto ko."Bakit ba kasi kaylangan mo pang bumalik sa taong paulit ulit kang sinasaktan. Kinaya mo naman na wala sya di ba? Bat kaylangang mahalin mo pa sya ulet?"
"Hindi naman ako tumigil na mahalin sya Jazz, pinigilan ko yung sarili ko pero wala e si yuno pa din talaga." Nakatingin ako sa baso ng kape sa harap ko habang sinasagot lahat ng katanungang binbato sakin ni jazzle.
"Porsche ano bang meron ang yuno na yan?" Inis na tanong ni Jazzle sakin. Ano nga bang meron kay yuno na wala saiba? sa totoo lang hindi ko din kasi talaga alam kung bakit paulit ulit ko syang pinipili."Jazz alam mo naman kung gaano ko sya ka gusto diba? Kaya ngayon pagbibigyan ko ang sarili ko. Gusto ko syang mahalin ng hindi natatakot, mamahalin ko ya kasi yun ang nasa puso ko ngayon at mas tatapangan ko pa para kahit matalo sa hule atleast alam kong lumaban ako."
"Wag kang padalos dalos Porsche, isa pa marami namang iba jan hindi mo kaylangan paulit ulit matalo sa pagsugal mo sa kanya,Porsche andito ak------"
"Jazzle Please. Alam naman natin pareho na kahit paikot ukitin ang mundo si Yuno lang ang talagang gusto ko. Sorry jazz pero sana maintindihan mo." Pilit syang ngumiti sakin. Kahit alam kong hindi sya sang-ayon kahit ano pang paliwanag ang gawin ko sa ngayon.
"Okay, pero sana lagi mong tandaan na nandito ako." Mahina nyang sagot.
"Salamat Jazz." Sagot saka nya ko binigyan ng ngiti. Hindi ko alam pero sobrang concern sakin si Jazz nitong mga nakaraang araw, I wonder why.
"Kaya pala gustong makipaghiwalay, kasi meron na kong karibal naaawa ako sa sarili ko alam nyo ba yon?"
"Lizzy." Mahina kong bulong saka tumayo si jazz at humarap kay lizzy.
"Matapang ka talaga e no? Talagang pilit kang sumasawsaw samin ni Jazzle kahit alam mong hindi pwede. Una syang naging sakin kaya sakin sya hanggang sa hule you pathetic doctor."
"Can you please stop it lizzy? Hindi mo alam ang sinasabi mo!" Sagot ni Jazz saka ito pilit na nilayo sakin.
Sikat si lizzy kaya hindi ako magtataka kung bakit kakaiba ang reaksyon ng mga tao sa paligid."Well, as I expect. Ipagtatanggol mo yang porsche na yan kahit ako na tong niloloko nyong dalawa" Sagot ni Lizzy saka humawak sa kanyang bag. Laking gulat namin ni Jazzle ng mag labas ito ng baril at tinutok sakin, marahan naman akong pinrotektahan ni Jazzle, bahagya nya kong tinulak papunta sa likod nya sa kabila ng panganib na dala ng galit ni Lizzy.
"Lizzy ibaba mo yang baril mo hindi kaylangang umabot sa ganito." Marahang sabi ni jazzle.
"Ipuputok ko to oras na gustuhin ko at wala akong pakialam kahit ikaw pa ang tamaan ng bala nito jazzle kaya wag kang magpakabayani dahil hindi ako maawa sa manlolokong gaya mo!"
"Lizzy mali ang iniisip mo. Wala kaming relasyon ni Jazzle magkaybigan lang kami kaya itigil mo na ang pag eeskandalo" Sagot ko dahil tila desperado syang saktan isa man samin ni jazzle.
"Sa pagkakaybigan din kami nagsimula Porsche, hindi mo ko madadaan sa napaka babaw mong dahilan"
"Lizzy makinig ka please wala talaga kaming relasyon, ano bang pumasok sa isip mo at ginagawa mo to!?" Pagmamakaawa ko.
YOU ARE READING
The Nerdys Checklist (How to Get the Famous Pogi)
EspiritualWhat if miss Nerdy Girl fall inlove with a famous Heartbreaker? Magkakaspark kaya When Porsche is persistent to her FAITH? She's a warrior. She fight using her faith, she love using her faith, she's Strong because of faith, she's tough because of F...