Chapter 17: He's back

124 4 0
                                    


"Max? Salitang nabanggit ko ng masiguro kong si maximo nga ang nasa bahay ko.

Ngumiti sya sakin, ibang iba na sya. Napakalaki na rin ng ipinagbago nya and he look so cute and very Professional with his eyeglasses.

Maya maya lang ay may babaeng lumabas mula sa kusina, malaki ang tiyan nya at may konting katabaan. Buntis sya sigurado ako. Naningkit ang mata ko habang tinitignan sya napaka ganda nya kahit na buntis hindi ko ito maitatanggi.

"Pasensya na at hindi ko nasabing pupunta kami dito, itong bahay mo kasi ang una kong naisip uwian ng makakuha ako ng mahabang vacation leave. Kaso wala ka pala dito kaya ito, tumuloy nalang kami.

"Hi ezra! Ikaw na ba ya?! Napaka ganda mo na. Bati ng babaeng kasama ni maximo.

"Buntis ka? Tanong ko sa babae. Hindi ko maiwasang hindi magtanong dahil alam kong si yuno ang kasintahan nya bago ako mawalan ng balita sa kanila.

"Ahh, Oo buntis ako. Kinasal na din ako sa Davao simple wedding lang naman.

Napalunok ako, kinakabahan ako dahil baka si yuno ang tatay ng pinagbubuntis ni Aaliyah at ang tinutukoy nyang asawa nya.

"How are you ezra? Tanong ni Aaliyah.

"Okay lang ako, sagot ko.

"Ezra sorry nagulat ka yata namin sa pag dating namin. Sabi ni Max.

Marahan akong lumapit sa kanya at niyakap sya, then he tap my back. Maya maya lang ay napahagulgol na ko na parang bata dahil namiss ko sya ng sobra. Yung taong kanina lang iniisip ko, yung taong napagsusumbungan ko noon at yung taong nagpoprotekta sakin noon yakap yakap ko na ngayon.

"Umiiyak ka nanaman Ezra. Bulong nya sakin saka ako niyakap pabalik.

"Nakakainis ka! Umalis ka bigla, umalis ka at iniwan mo ko. Sambit ko habang kinukuskos ang mata ko.

"Sorry, ang mahalaga andito na ko ulit. Looking at you right now makes me realized that you are very strong woman.

"Malungkot ako, mag-isa at walang kasama. Sagot ko saka humiwalay sa pagkakayakap.

"Ezra I miss you. Saad nya habang nakatingin sa mga mata ko. Maya maya ay tinaas nya sa harap ko ang kamay nya hawak ang isang susi.

"Your pastor Elvy give this key a while ago. Nakita nya kong nakatayo sa harap ng gate ng bahay na to nang bigla sya dumating.

"Pumunta sya dito? Tanong ko, madalas kasi nagsasabi sya sakin kapag pupunta sya dito sa bahay.

"Yup, medyo weird lang dahil he told me that he wasn't able to kept this key any longer.

"Bakit daw? Tanong ko.

"Hindi ko alam ezra hindi na ko nakapag tanong dahil sabi nya nagmamadali daw syang umalis.

"Ahm, medyo weird nga. Sagot ko.

"By the way sorry at ginamit ko yung key pero balak na sana kitang tawagan kaso dumating kana.

"It's fine. Hindi ka naman na iba sakin max.

Ngumiti sya sakin saka kami umupo, naghain din si Aaliyah ng meryenda na pinag saluhan namin at dito na ko magkaroon ng chance para itanong kung sino ang ama ng pinagbubuntis nya.

"Aaliyah? Magkakaanak na pala kayo ni yuno. Kung titignan ka mukhang maayos ang pagbubuntis mo. Saad ko sa kanya.

Pansin kong nagkatinginan si Max at aaliyah bago ito sumagot.

"Ah e, actually hindi si yuno ang daddy ng pinagbubuntis ko.

"H-hindi si yuno?

"Yup, we are both not serious in our relationship back then. Nang sumunod ako sa davao doon ko nakilala si darryl ang husband ko. Sagot nya habang nakangiti, halatang inlove sya base sa paraan ng pagkukwento nya, at the same time nakahinga ako dahil hindi si yuno ang nakatuluyan nya.

The Nerdys Checklist (How to Get the Famous Pogi)Where stories live. Discover now