Prologue

8K 142 7
                                    

Author's Note:


TRIGGER WARNING!


This story contains mature content. Several triggering subjects may be encountered, including suicide, self-harm, gore, murder, physical and mental abuse, etc.


READ AT YOUR OWN RISK!



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


PROLOGUE


"Ikaw ang... Grim?" nanlalaki ang mga mata kong nakatitig sa kaniya.

"Hindi ka makapaniwala?" sabi niya.

Naglakad siya nang bahagya habang nililinis ang hawak niyang kutsilyo na may bahid pa ng dugo.

"Sino nga namang makakaisip, 'di ba?" pagpapatuloy niya habang nananatili pa rin ako sa pagkakatali ko sa upuan. "Ako na animo'y anghel sa lupa ang mamamatay-tao? Hahahaha! Kahit nga ako hindi ako makapaniwala sa sarili ko!" pahayag niya at kitang-kita ang saya sa mukha niya.

"Please, spare my life! Spare my life!" sigaw naman ng katabi kong babae habang umiiyak at nagwawala. Nakatali rin siya sa upuan gaya ko.

Lumapit siya sa katabi kong babae at hinaplos ang pisngi nito. Nagtagpo ang mga mata nila.

"Do you want me to spare your life?"

"Y-yes..." nanginginig na tugon ng babae.

"Why?"

"I-I'm scared! Please! I don't want to die!" sigaw ng babae habang humahagulhol.

"You know what?" sabi ng Grim at lumuhod pa para matapatan ang babae. "You shouldn't be afraid of death; rather, you should face it with open arms!" wika niya sabay tumawa siya nang malakas. "Pero ang hindi ko lang sure ay kung magagawa mo pa 'yong part na 'open arms'. Bakit?"

Ngumiti siya sa babae.

Isang ngiting anghel.

"Kasi this moment, this very wonderful moment, matatanggal na ang arms mo! Isn't it cute?"

Tinapon niya sa kung saan ang nililinis niyang kutsilyo at ilang segundo lang ay narinig na namin ang nangangalit na tunog ng chainsaw.

Mahigpit niyang hinawakan gamit ang dalawa niyang kamay ang chainsaw habang napakalaki ng ngisi niya sa labi.

Halos mabaliw naman sa pagwawala ang katabi kong babae na nagmamakaawa at sumisigaw nang tulong.

At sa isang iglap, parang baboy lamang na kinakatay ang babae. Tumatalamsik sa buong kuwarto ang laman at dugo niya. Tulala lang akong nakatitig sa kaniya habang napupuno na ng dugo ang buo kong mukha.

Rinig na rinig ko ang pagtawa niya.

Ang isang katulad niya ay hindi na isang tao!

Isa siyang demonyo!

Demonyong nanggaling sa impyerno!

Pero sa pagkakatanda ko...



...galing din pala ako sa impyerno.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hail Academy: High School of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon