(Night of 15th of December)
[YANI FONTANILLA]
"Bakit ba tayo nakamaskara?" tanong ko sa kanila habang dahan-dahan kaming naglalakad ngayon papunta sa Office of the President sa Hail Academy."Wala lang para cool." sabi naman ni Gavin kaya't agad ko siyang binatukan.
"Kailangan nating maprotektahan ang identities natin lalo na't ilegal 'tong gagawin natin. Magtetrespass lang naman tayo 'no! At siyempre may CCTV kasi." pagsagot naman ni Vienna.
Halos lahat ng suot nilang masks ay galing sa 'kin since marami akong collection ng anime masks.
Talagang ninakaw pa nila 'yan sa mismong kwarto ko sa bahay namin! Mga kawatan!
Tiningnan ko sila isa-isa.
Naka-skull mask si Vienna. Yung mask ni Death sa Soul Eater? Basta gano'n! Saan ko nga ba nabili ang isang 'yan? By the way, gamit na naman ni Vienna ngayong gabi ang madalas niyang dalang baseball bat na may mga pako sa dulo. She's a creepy bad bitch sa itsura niya.
Nakasuot naman ako ng ANBU mask. 'Yong sa Naruto? At siyempre marami pa rin akong bitbit na mga maliliit na patalim.
Pero ito talaga ang totoong creepy. Si Dice 'te! Naka-Kaneki mask siya (without the eye-patch tho). Shit lang, 'yong dark aura ni Kaneki sa Tokyo Ghoul, gano'n na gano'n din ang awra ni Dice ngayon habang naka-hood pa. Kaneki with katana? Well, not that bad.
BINABASA MO ANG
Hail Academy: High School of Hell
Mistério / SuspenseNapabilang sa isang laro ang mga graduating students ng Hail Academy na tinatawag na Crown Game. Madali lang naman ang laro, kailangan lang nilang hanapin si Kamatayan bago sila unang mahanap at mapatay. Highest Ranks: #1 IN MYSTERY-THRILLER (12.16...