Chapter I. Crown Game

6.4K 86 7
                                    


(30th of September)


Halos tatlong buwan na rin nang magsimula ang bangungot na inanunsiyo ng bagong nagmamay-ari ng Hail Academy na si Mr. Oliveros, na siya ring acting-Mayor ng lungsod namin---ang La Manzana.

"Maglalaro tayo mga graduating students, tinatawag itong Crown Game." panimula niya. "Madali lang naman ang laro, kailangan niyo lang hanapin si Kamatayan..." huminto siya panandali, "Bago niya kayo unang mahanap at mapatay."

Nagbulong-bulungan ang mga estudyanteng kasama ko rito sa Auditorium.

"Sino ang Grim?" pagtatanong niya sa 'min. "Pwedeng nasa ibang section o ang katabi mo o baka ikaw mismo! Basta ang nasisiguro ko lang ay kasama niyo siya ngayon dito at nagbabalat-kayo bilang isang butihing estudyante."

Syempre walang naniwala sa baliw na 'yon! Magkakaibigan kaming lahat dito kahit na magkakaiba pa kami ng sections at sino ba namang baliw ang papatay ng kapwa niya estudyante, 'di ba?

Pero may baliw nga.

Natagpuang patay ang isang estudyante galing sa Section 6 makalipas lamang ang tatlong araw magmula noong announcement.

Halatang pinahirapan muna ito bago pinatay.

Nakabukas pa ang mga mata nito, tingin ko'y binalatan siya nang buhay.

Nakita rin ang isang maliit na computerized note sa loob ng bibig ng biktima at ang nakasulat sa note?

Shall we start? Who's ready to be the next to reap? Love, GRIM

Naging sanhi 'yon para matakot ang mga kapwa ko estudyante. Nadagdagan pa ang takot na 'yon nang may natagpuan na namang bangkay kinabukasan.

Sinubukan ng iba na mag-transfer sa ibang school pero sa oras na umalis sila sa Hail Academy ay napapabalitaan na lang namin na patay na sila dahil daw sa aksidente.

Mayroon na ring estudyante na nagtangkang magsumbong sa kapulisan pero hindi naman siya pinaniwalaan ng mga ito. Nalaman na lang namin na nag-suicide raw ang estudyanteng 'yon pero alam naman namin na may foul play na naganap.

Sa tingin ko nama'y wala pang sumubok na magsabi sa kaniya-kaniya naming pamilya. Para sa 'kin, ayoko lang na madamay sila sa gulong 'to.

Doon na sineryoso naming mga estudyante ang sinabi ni Mr. Oliveros, ang patungkol kay Kamatayan.

Itinuturing na Pawn kaming mga estudyante habang may nagsisilbing Grim na siyang kukuha sa buhay ng mga Pawn.

Maraming binanggit na rules ng game, isa na nga roon ang mahigpit na pagbabawal ng paggamit ng baril at pagbulgar ng mismong laro sa mga hindi naman kabilang at kung ano-ano pa.

Matatapos ang lahat kapag nahuli na kung sino ang Grim na nagbabalat-kayo bilang isang Pawn.

Buhay man o patay, basta't mahuli ang Grim tapos ang laro.

Ang makakahuli sa Grim ay tatanghaling Crowned King or Crowned Queen pero hangga't hindi pa nahahanap ang Grim, magpapatuloy ang patayan.

"Mapupunta sa magwawaging manlalaro ang kabuuan ng minamahal nating Hail Academy, at isang kaban ng salapi na kayang bumuhay hanggang sa susunod na sampong henerasyon ng kahit na sinong pamilya." pahayag ni Oliveros.

Tingin ko wala na talaga siya sa tama niyang pag-iisip, pero ang nakakainis pa ro'n ay may mga naniniwala sa mga sinasabi ng Oliveros na 'yon.

Nagsimula na silang hanapin at magsagawa ng hunting laban sa Grim pero ang lahat nang sumusubok ay nabibigo lamang sa proseso habang ang iba naman ay nababaliw na animo'y pinaglalaruan ang kaisipan nila.

Hail Academy: High School of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon