Chapter XXXVI. Boys Do Kill

1K 28 0
                                    



(Date unknown)



[DICE YAMAMOTO]


Hindi ko alam kung ilang araw o oras na ang lumipas simula nang umpisahan ko ang paghahanap ko sa kapatid kong si Keisuke.

Nakakapagod pero hindi ako sumusuko.

Dahil basta makita at mapatunayan ko lang na buhay siya, mapapanatag na ko.

"Keisuke..." mahina kong pagbanggit sa kawalan.

Umiling ako at nag-focus na lang sa dapat kong gawin.

Nilagyan ko ng ekis ang mga ospital na sinasabi ni Faye, inikot ko ang mga 'yon pati ang mga kasulok-sulukan no'n pero wala si Keisuke.

Napunta na lamang ang atensyon ko sa sunod na lead na nasa notes ni Faye, ang "Agatha Hospital" na nakatayo sa Huwes. Hindi ito napuntahan ni Faye dahil under renovation pa ito noon pero ngayon ay operating na sila.
 
Naghanda na ko para sa pagpunta ko sa Agatha Hospital.

Hindi na bago para sa 'kin ang pagsabak sa panibagong laban katulad nito. Natuto na kong maging handa sa lahat ng bagay at mga pwedeng mangyari dahil sa tulong ng Grim Hunters.

Gamit ang kotse na pagmamay-ari ni Papa ay pumunta muna ako sa Dahlia Cemetery kung saan nakalagi ngayon ang mga labi ni Faye.

Wala na si Faye Fuentes.

Iniwan na niya kami. Ni hindi man lang niya hinintay ang muling pagbabalik ni Keisuke sa piling namin. Napakadaya mo, Faye.

Tandang-tanda ko pa ang mga huli niyang sandali. Dinala ko siya sa pinakamalapit na ospital noong natalo na namin si Julia.

Naghihingalo na siya, napakahina na niya.
 
 
"Faye, kailangan mong mabuhay! Kailangan ka ni Keisuke!"

Nasilayan ko ang pagngiti niya sa kabila ng panghihina niya.

"Ayos lang ako, Daisuke. 'Wag mo na akong alalahanin. Puntahan mo na si Kei... iligtas mo siya."

Hinawakan ko ang napakalamig at maputla na niyang mga kamay.

Hindi ko maiwasang hindi maluha. Dahil kahit na napuno kami ng hindi pagkakaintindihan, siya pa rin naman ang Faye na kababata ko.

Si Faye na prinsesa namin.

"Please Faye, kailangan kita. Pa'no ko maililigtas si Keisuke kung wala ka?"

Umiling siya at hinawakan din niya pabalik ang kamay ko, "Daisuke... hindi mo na ako kailangan pero kailangan mo ang mga natuklasan ko..." sandali siyang huminto. "Pumunta ka lang sa basement ng bahay, nandoon ang lahat."

"Faye..."

Lumuluha na rin siya pero nananatili siyang nakangiti at maaliwalas ang mukha.

"Hindi ko man nailigtas si Keisuke sa kamay nila pero alam kong magagawa mo 'yon, Daisuke. Hinihintay ka niya at magkakasama ulit kayong magkapatid."

"Faye please!"

"Kahit na mamamaalam na ko ngayon... malaki ang tiwala ko na matatapos mo ang lahat. Daisuke... Dice... hindi pa kita natatawag sa gano'ng palayaw." pahayag niya at mahina siyang tumawa.

Napakarami na niyang naisakripisyo, hindi lang para kay Keisuke kung 'di para na rin sa buong pamilya namin.

Utang ko ang lahat kay Faye.

Hail Academy: High School of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon