Chapter XXIII. Thriller Mission

1.2K 26 2
                                    


(20th of December)



[YANI FONTANILLA]


Kitang-kita ng dalawang mata ko, kung paano nila sinunog nang buhay si Daniel na huling nakita namin sa underground ng Hail.

At si Julia ang may gawa no'n.

Harap-harapang pumapatay si Julia!

Napakahalang ng kaluluwa niya!

Ang nakapagtataka pa riyan ay kung paanong natago niya sa 'min ni Gavin ang plano niya para sa Hail Fest. Kami na kaklase at nakakasama niya sa classroom.

At hindi ba't kabilang si Gavin sa Section 4? Bakit hindi siya isinali nito sa Hail Fest?

Napayuko ako.

Naalala ko naman si Gavin.

Kumusta na kaya siya? Maayos ba siya?

Sana nasa ligtas siyang kondisyon.

Sana.

Muli kong inikot ang paningin ko sa paligid. Nakaputi ako at nakatali ang mga kamay at paa ko. Pinasuot nila ako ng gas mask at ikinulong sa isang kulungan na para sa iisang tao lang.

Hindi ko alam kung nasaan na sila Dice at Vienna. Pinaghiwa-hiwalay nila kaming tatlo, matapos no'n ay ginamot nila ang mga sugat ko. Tiwala naman akong nasa maayos lang sila dahil kung ako nga na mahina naka-survive eh sila pa kayang dalawa?

Pero si Gavin...

Nakita ko kung paanong dinukot ang...

Umiling-iling ako.

Nasa maayos lang si Gavin.

Alam ko 'yon.

Tama, nasa maayos lang siya.

Kinalma ko ang sarili ko sa pamamagitan nang pagbuntong-hininga.

Naalala ko kanina, nagising na lang ako nang makaamoy ako ng sunog at doon ko nga nasaksihan ang palabas na inihanda nila Julia para manalo sa Hail Fest.

Nakita ko rin sa malayo si Tiara, sinigaw ko nang sinigaw ang pangalan niya pero hindi niya ko naririnig. Pero kahit gano'n, makita ko lang siya na ligtas ay napanatag na rin ang loob ko kahit papaano.

Ang kailangan ko na lang ay makatakas dito para makabalik na ko. Siguradong nag-aalala na sa 'kin si Gavin, at kapag hindi pa naman napigilan ang isang 'yon ay bigla-bigla na lang sumusugod na wala man lang plano sa utak.

Napabuntong-hininga ako.

Miss na miss ko na talaga siya.

Gustong-gusto ko na siyang makita.

Gusto ko nang marinig ang boses niya, ang boses niyang tumatawag sa pangalan ko.

Akala ko ubos na pero hindi, muli ay lumuluha na naman ako. Pinipilit ko man ang sarili ko na isiping nasa maayos lang si Gavin pero alam ko ang totoo. Nakita ko kung paanong bumulwak ang dugo sa mata niya, nakita ko kung paanong lumupaypay ang katawan niyang duguan.

Iyak na naman ako nang iyak.

Ayoko na rito, gusto ko nang umalis dito!

Gavin...

Gusto ko na ulit na makasama si Gavin.

Gusto kong bumalik sa oras na nasa bahay lang ako ni Gavin.

Kami lang dalawa, kami lang sa mundo.

Dapat pala hindi na kami bumalik pa sa Hail at nanatili na lang kami sa bahay niya. Kung papatayin man kami ng Grim at least magkasama kami hindi 'yong ganito.

Hail Academy: High School of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon