Chapter XXXXII. The Evil King

1K 34 4
                                    



(Date unknown)



"Isa ka talagang tunay na Lunsford! Walang pagdududa!"

"Manang-mana kay Lucci."

Ilan lang 'yan sa mga naririnig ko sa tuwing may nagaganap na gathering kung saan dumadalo ang ilan sa mga pinakamakapangyarihan sa buong bansa.

Natutuwa ako kapag inihahambing nila ako kay Papa na parang kiliti sa tenga ko ang bawat papuri na natatanggap ko mula sa kanila.

Pero kaagad ding nawawala ang mga tuwang 'yon sa tuwing binabanggit na nila ang pangalan niya.

"Nakakabilib din talaga si Viktor lalo na't napalaki ka niya nang maayos, Nathan."

"Kahit na sa kaniya pa napunta ang lahat ng pasanin matapos mayumao ni Lucci. Napakahirap na tungkulin pero nakaya niya."

"Tama at ngayon halos nasa rurok na siya ng tagumpay!"

Palihim lamang akong napakagat sa ibaba kong labi dahil sa inis.

Pero pinilit ko pa ring ngumiti sa kanila kahit na gustong-gusto ko nang ibulyaw ang katotohanan.

Ang katotohanang wala ni katiting na pawis ang ipinundar ng Oliveros na 'yan!

Malapit na nga sanang malugi ang pamilya namin kung hindi lang ako kumilos para maisalba ang lahat. Ako na isa pa lamang musmos sa larangan ng pagnenegosyo at maging sa takbo ng buhay, pinilit na pag-aralan ang bawat piraso para lamang hindi mauwi sa wala ang mga nagawa ng Papa ko.

Tapos ngayon, sa kaniya pa napupunta ang papuri para sa lahat nang pinagsikapan namin ni Papa.

Nakakainis.

Nakakakulo ng dugo.

Lalo na nang lapitan na niya ako at akbayan.

"Suotin mo na ang maskara mo at mag-uumpisa na ang palabas, anak." aniya at ngumiti muna siya sa 'kin bago niya isinuot ang maskara niyang kulay kahel.

" aniya at ngumiti muna siya sa 'kin bago niya isinuot ang maskara niyang kulay kahel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakasimangot ko namang isinuot ang maskara kong kulay itim.

Nakasimangot ko namang isinuot ang maskara kong kulay itim

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hail Academy: High School of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon