Chapter III. The Wicked

2.3K 47 6
                                    


(1st of October)


[TIARA LA RAZA]

"M-may lason ang tubig! May lason ang tubig!"

Nagsigawan sila, ang iba ay nagsuka na rin dahil nakainom sila ng tubig na binigay kanina.

Binigay? Sinong nagbigay?

Pero hindi ko muna inisip ang pwedeng maging sagot doon, kaagad ko nang nilapitan ang Class Officer na bumubula na ang bibig at nagpatulong kay Dice na dalhin siya sa Clinic.

Hindi man mapagkakatiwalaan ang mga bagong guro ngayon dito, pero si Dr. Garcia na matagal ng Resident Doctor ng Hail Academy ay alam kong tutulungan kami.

Ang ibang nakainom ng tubig na may lason ay pinagpahinga na sa Clinic at mabilis na naging stable ang lagay nila matapos silang ma-check ni Dr. Garcia. Pero 'yong babae na naubos inumin ang isang botelya ng tubig ay agad na sinugod sa pinakamalapit na ospital dahil mabilis daw na kumalat ang lason sa katawan niya.

Humupa man ang tensyon mula sa mga naganap, nakakalungkot pa rin ang sinapit namin sa magkasunod na araw na 'to.

Inabutan ako ni Dice ng bottled water sabay sabing, "Walang lason 'yan." paglilinaw niya.

Walang gana kong tinanggap ang tubig at muli akong napatingin kay Race na tulog na tulog dito sa Clinic. Uminom din kasi siya no'ng tubig na may lason, ako pa mismo ang nag-abot sa kaniya matapos ang alitan nila ni Nathan.

"Kawawa naman si Race, sobrang dami na niyang naranasan; na-suffocate, nakipagsuntukan, at ngayon naman nalason. Dapat siguro mag-bed rest muna siya, ipapaalam ko na lang siya sa teachers natin para ma-exempt siya sa klase para makapagpahinga siya sa kanila." pahayag ko.

"Ang Hail ang pinakaligtas na lugar, Tiara." wika ni Dice kaya't napatingin ako sa kaniya na mukhang malalim ang iniisip. "Kapag nasa labas ka ng Hail, mas malaki ang chance na mapapatay ka ng Grim. Parang open area sa labas at close arena naman dito sa loob ng Hail. Sa open area, kahit saang anggulo ay pwede kang masugod at mapatay pero kapag nasa loob ka naman ng Hail, limitado ang galaw ng Grim. Oras na magkamali siya ng kilos dito, mabibisto kaagad kung sino siya kaya't mas ligtas kung nandito tayo."

"Walang ligtas na lugar."

Napalingon kami ni Dice sa lumapit sa 'min---si Sidney.

Idinako niya ang tingin kay Race na payapa pa ring natutulog, "Kumusta na siya?" pagtatanong niya sa 'kin.

"Maayos na siya, nagpapahinga na lang."

Nilapitan niya si Race at inayos ang buhok nito.

"Um, sorry pala Sidney dahil sa 'kin kaya---."

"Hindi mo kailangang mag-sorry, Tiara. Ginusto niya ang tungkulin na 'to at alam naman niya siguro ang consequences ng pinasok niya."

Napayuko na lang ako.

Magkaibigan sila Sidney at Race at sino ba namang may gusto na makitang nahihirapan ang isang kaibigan, 'di ba?

Paniguradong may hinanakit na sa 'kin si Sidney at hindi maganda 'yon lalo na't ako ang Class President, dapat kasundo ko ang lahat. Paano ko na lang maibabalik ang tiwala niya sa 'kin?

Pero natigilan ako sa sunod niyang sinabi.

"Nagpapasalamat nga ako dahil ikaw ang Class President at hindi si Race." pagwika ni Sidney sa 'kin. "Mas makapangyarihan, mas mabigat ang responsibilidad. At mas mataas, mas maraming gustong humila paibaba. Sigurado ako na kung may uunahin mang patayin sa section natin... ikaw 'yon Tiara."

Hail Academy: High School of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon