Chapter XXXXVII. Endgame (Part 2)

1.3K 30 9
                                    

X NO TO SPOILERS!!! X

Thank you.
 
 
 

 
(2nd of March)


[AXE ASHTON]


 
"Vienna?"

Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatitig sa nakahandusay na katawan ni Vienna kung saan nakabaon pa ang isang patalim direkta sa kaniyang puso.

"V-Vienna..." nanginginig kong pagbanggit muli sa pangalan niya habang dahan-dahan akong lumalapit.

Sa 'di kalayuan ay nakita kong itinutok na ni Race sa sentido niya ang baril na napulot niya habang may malaking ngisi sa kaniyang mga labi. "Magsasama na tayo sa walang hanggan, Vienna." wika niya.

Hinaplos ko ang mukha ni Vienna na animo'y nahihimbing lamang. 'Di ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko na tumatama nga sa malambot niyang pisngi.

"Axe, ano bang ginagawa mo?! Pigilan mo si Race!" rinig kong sigaw sa 'kin ni Monina pero nakatuon lamang ang mga mata ko kay Vienna.

Nagtatanong kung bakit hindi niya tinupad ang pangako niyang lumisan na sa lugar na 'to, na pumunta sa isang ligtas na lugar at magpakalayo-layo?

"Bakit, Vienna? Naniwala ako na wala ka ngayon dito at nasa mabuti kang kalagayan. Bakit? Bakit pati ikaw hindi ko pa mailigtas?" Ibinaon ko ang sarili ko sa kaniya. "Vienna... gumising ka..."

Ako na punong-puno ng poot sa puso. Kinaiinisan ko ang lahat ng tao na nagkaroon ng normal na buhay, habang ako ay lumaki sa mga pasakit mula sa kamay ng mga doktor na hindi ko naman kilala.

Galit ako sa mundo kaya't wala akong habas na pumapatay kahit na sino pa 'yan.

Para sa 'kin laruan lamang ang buhay ng mga tao na mas mahina kaysa sa 'kin.

Ako na parfait na naisakatuparan sa mundong ito ay dapat lamang na babaan ang tingin sa mga mahihina.

Pero binura 'yon lahat ni Vienna, lahat ng paniniwala ko sa buhay. Lahat ng galit at poot.

Dahil kay Vienna.

Siya na kakaiba sa lahat ng tao.
Hindi siya pangkaraniwan.
May natatangi siyang lakas na nakakatapat sa akin.

At isa pa, tinatrato niya ko na animo'y katulad lamang niya ako. Na hindi ako naiiba, na isa lamang din akong normal na sibilyan sa paligid niya.

Matapos ang ginawa kong trahedya sa Project Agatha na tanging ako lang ang nakaligtas, nahuli ako at isinuko sa isang asosasyon.

Ang inaasahan kong panibagong buhay ay hindi naganap.

"Ikaw ang magiging Butler ni Monina."

Butler?

"Susunod ka sa lahat ng ipinag-uutos niya, hindi ka dapat pumalya dahil may kaukulang parusa ang lahat. Gawin mo ang lahat para sa kaniya kahit ang pagbuwis ng sarili mong buhay. Gusto lang naming ipaalala sa 'yo na sa una pa lang dapat patay ka na pero iniligtas ka ni Monina."

May inilagay silang chip sa sistema ko. Pakiramdam ko no'n ay muli akong nilagyan ng nakakabit sa leeg katulad kung paano kami alilain noon sa hospital.

"Kay Monina mo pinagkakautangan ang buhay mo dahil pinili ka niya sa dami ng mga pwede niyang isalba. Siya ang may karapatan sa 'yo, sa buhay mo. Kung sinabi ni Monina na mamatay ka, kailangan mong mamatay. Wala kang ibang gagawin kung 'di ang sumunod, sumunod na parang aso."

Hail Academy: High School of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon