Chapter IX. Goodnight, Sleeping Beauty

1.5K 36 0
                                    


(5th of October)


[TIARA LA RAZA]


"Lilian, bibili lang ako ng drinks ah! Saglit lang ako and anytime darating na rin naman si Butler Seb kaya 'wag kang mag-aalala." sabi ko sa tulog pa rin na si Lilian.

Inalis ko ang hibla ng buhok niyang nagtatakip sa mukha niya.

All this time, palagi ko siyang nakikita na nakayuko lang at nakatakip ang mahaba niyang itim na buhok sa buong mukha niya.

"Napakaganda mong babae, Lilian. Kaya simula ngayon, dapat hindi mo na tatakpan pa ang mukha mo, okay?"

Ngumiti muna ako sa kaniya bago ako tuluyan nang lumabas sa room.

Sa kanang bahagi ako dumaan pero nakakailang hakbang palang ako palayo, ay parang may aninong pumasok sa room ni Lilian kaya't napalingon ako.

Wala namang tao at sarado rin ang pinto.

"Guni-guni." nasabi ko na lang sa sarili ko at tumuloy na nga ako sa paglakad.

Sumariwa na naman sa isipan ko ang balitang pinatay 'di umano ni Ruth ang lahat ng tao sa bahay nila bago siya nagbigti sa sarili. Natagpuan lang kahapon ang mga bangkay pero noong nakaraang araw pa raw nangyari ang krimen dahil sa umaalingasaw na amoy na nireport naman ng mga kapit-bahay nila Ruth kaya nadiskubre ang lahat.

Parang noong nakaraan lang din nang matagpuan naman ang naaagnas na bangkay ng estudyanteng wala ng ulo sa may 3rd floor corridor. Simula no'n ay wala nang dumadaan sa corridor na 'yon dahil sa may nagpaparamdam daw.

Sa tingin ko sobra na talaga ang nadudulot ng larong 'to sa 'min. Hindi ko nga alam kung mentally stable pa ba kaming lahat dahil sa mga nangyayaring 'to.

Napakabata pa namin, imbes na dapat i-enjoy na lang namin ang last year bilang high school students, pakiramdam ko mas nag-struggle pa kami nang husto ngayong patapos na kami.

Dapat na talaga 'tong matigil at maaaring si Lilian na nga ang sagot.

"Magkano po lahat?" tanong ko sa tindera na pinagbilhan ko ng drinks.

"Trenta lang 'ne!"

Nagbayad na ko at naglakad na ulit pabalik.

Pero nakita ko na lang na nagkakagulo na sa loob ng ospital.

"Anong nangyari?" nagugulumihanan kong tanong sa kawalan.

"Anong room?" narinig kong tanong ng isang doktor sa nurse.

"Room 309 po!"

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi na ko nag-atubili pang hintayin ang pagbaba ng elevator at tinahak ko na kaagad ang hagdan paakyat.

Lilian! Please sana walang nangyari masama sa 'yo. Please!

Kung bakit ba naman kasi iniwan ko siya nang mag-isa ro'n?!

At kung bakit ba naman kasi hindi ako nabahala na may napansin na nga akong anino na pumasok sa room ni Lilian kanina!

Kasalanan ko na naman ang lahat ng 'to!

Nagtatakbo na ko papunta sa Room 309 nang harangin ako ng ilang personnel.

"Kakilala ko ang nasa loob ng room na 'yan!" sabi ko sa kanila pero hinaharangan pa rin nila akong makapasok.

"Lilian!" muli kong pagsigaw at nawawalan na nga ako ng pag-asa, "Lilian!"

"Papasukin niyo siya, kasama ko siya."

Hail Academy: High School of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon