Chapter XXXXI. His Farewell

945 33 9
                                    



(11th of February)



[YANI FONTANILLA]
 
 
Tatlong araw nang hindi umuuwi si Nathan, dahil doo'y hindi ako nakakakain o nakakatanggap man ng kahit na anong medisina.

Hinang-hina na ko.

Pakiramdam ko na kahit na anong oras ngayon ay malalagutan na ko nang hininga.

Ang hayop na Nathan na 'yon, halos patayin na niya ako para lang sa pansarili niyang imahinasyon. Binaboy niya ko, pinatay niya si Yani sa loob ko at ginawa niya kong ibang tao.

Gusto niya kong maging si Eliza Mendez.

Kaya't may oras na tinatrato niya ko bilang si Eliza kung saan dinadalhan niya ko ng makakakain at gamot. At may oras na kailangan kong umarte na ako si Yani, si Yani na para sa kaniya ay patay na.

Ilang buwan na kong nagtitiis, ilang buwan na kong nagpapakasakit.

At gusto ko nang matigil 'to.

Kaya't kung kamatayan lang din naman ang naghihintay sa 'kin, uunahan ko na siya at ako na mismo ang gagawa ng sarili kong kamatayan.

Pinilit ko ang sarili kong gumalaw kahit na pagapang basta kailangan kong makuha 'yon nang matapos na ang lahat ng 'to.

Nadaanan ko ang isang salamin na nasa lapag at sobra akong nanlumo para sa sarili ko.

Mula sa buhok kong kinulayan na niya ng itim,

Sa namumula kong mga mata,

Sa mga pasa sa iba't-ibang parte ng katawan ko,

At sa mga paa kong... nabubulok na.

Tama, hindi na ko nakakalakad pa dahil sa mga nabubulok kong mga paa mula sa binti

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tama, hindi na ko nakakalakad pa dahil sa mga nabubulok kong mga paa mula sa binti.

Nilalapatan niya ng kakarampot na medisina ang mga paa ko para hindi 'yon gaano kumirot, pero ngayong ilang araw na siyang hindi bumabalik, ramdam kong kinakain na ko ng sarili kong laman.

Pinapatay na ko nang dahan-dahan.

Matapos niyang i-martilyo nang imartilyo ang mga paa ko para lang matulad ako kay Eliza na nawasak ang mga paa noong tumalon siya mula sa tuktok ng school building, binago pa niya ang buong anyo ko para maging katulad ako ni Eliza.

Lahat 'yon natamo ko sa kaniya, lahat 'yon naranasan ko sa mga kamay niya.

Noong una'y pumapalag pa ko pero sa bawat pagpalag, kapalit ay suntok o bugbog. Hanggang sa pagbantaan na niya ako na papatayin niya ang mga magulang ko sa oras na lumaban pa ko. Alam kong kayang-kaya niyang gawin ang gano'ng bagay lalo na't sa harap ko mismo ay pinatay niya ang kapwa namin estudyante at kaklase na si Esther. Simula no'y tinanggap ko na lang ang mga kahaharapin ko sa kaniya.

Hail Academy: High School of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon