Chapter XXXI. Hunters Versus Hunter

963 30 0
                                    



(Night of 27th of December)



[THIRD PERSON'S POV]

"Sa ganitong sitwasyon pa tayo muling nabuo, Grim Hunters!" pambungad sa kanila ni Tiara habang hawak pa nito ang Blue Dagger bilang pang-depensa sa sarili niya.

Namuo ang butil ng luha sa gilid ng mga mata ni Tiara nang muli niyang makita ang mga kaibigan. Masaya siya na malamang nasa maayos ang lagay nila, lalong-lalo na si Dice na matagal na niyang inaasam na muling masilayan.

Pero hindi pa man nila nalalasap ang pagkakataong ito ay ginulo na kaagad sila ni Julia na nasa 'di kalayuan.

"What a heart-warming reunion! Halos ilang linggo rin kayong hindi nagkita-kita, hindi ba?" umarte pa si Julia na animo'y damang-dama nito ang nararamdaman nilang lahat. Ngumisi siya sa kanila, "This is a great moment, isn't it? Paano kaya kung gawin pa nating "greater" ang great moment lang? Parang masaya 'no?"

Sandali siyang tumigil para pasadahan silang lahat ng tingin sabay sabing, "Lahat laban sa isa, isa laban sa lahat. Ako lang naman talaga ang kalaban niyo rito eh! Kaya kung mapapatay niyo 'ko, e 'di kayo na ang panalo! Pero kapag mahuli ko kayo, bihag ko na kayo... magpakailanman."

Matapos no'n ay humudyat na si Julia at umatake na nga ulit ang mga alagad niya.

Nagka-riot sa loob ng tahimik na Hail Academy. Lahat ay ipinaglalaban ang kani-kanilang mga buhay.

"Yani! Sa likod mo!" pagsigaw ni Gavin kay Yani.

Naging alerto si Yani at naprotektahan niya ang sarili dahil sa tulong ni Gavin.

"Ayos ka lang ba?" saad kaagad ni Gavin nang makalapit na siya kay Yani.

Pero natigilan si Gavin nang marinig niya ang paghikbi nito.

Umiiyak si Yani.

"B-Bakit?! May masakit ba sa 'yo? Saan? Ituro mo sa 'kin!" natatarantang wika ni Gavin pero niyakap lamang siya nang mahigpit ni Yani habang nasa gitna pa sila ng kaguluhan.

"Gavin..." pagbanggit ni Yani sa pangalan ni Gavin. "Natutuwa akong makitang nasa maayos ka. Palagi kong pinagdadasal na mapabuti ang kalagayan mo kaya sobrang saya ko na makita ka ngayon na masigla! Salamat at patawad dahil hindi man lang kita napagtanggol no'ng oras na---!"

"Shh..." tinakpan ni Gavin ang bibig ni Yani para mapatigil ito sa pagsasalita. "Hindi na mahalaga ang nakaraan, ang importante ngayon ay magkasama na tayo, Yani. Ikaw na nagsisilbing liwanag sa madilim kong mundo, ikaw na palaging inililigtas ako sa mapait na karanasan. Yani... hindi na kita hahayaang mawala kahit na kailan." buong pusong sinabi ni Gavin habang hawak-hawak pa ang mga kamay ni Yani.

Umiiyak si Yani, pero ito ang iyak ng kagalakan.

Masaya silang nagyakapan sa isa't-isa sa gitna ng kaliwa't-kanang labanan.

Sa kabilang banda ay prinoprotektahan mag-isa ni Dice sila Faye, Lilian at Tiara nang mahiwalay sila kila Yani, Gavin, Nelly at Vienna.

Tagaktak na ang pawis ni Dice dahil sa pagod pero natigilan siya nang may humawak sa kabila niyang kamay.

Si Tiara na may determinadong ekspresyon sa mukha nito. "Hindi mo kailangang sarilihin ang bigat ng problema, Dice. Tandaan mo na palagi akong nandito para tulungan ka simula pa noong una. Marunong din naman akong makipaglaban dahil sa tulong ni Butler Seb, tutulungan kita."

Ngumiti si Tiara kay Dice, gusto niyang iparating dito na magiging maayos lang siya.

Hinawakan pabalik ni Dice ang kamay ni Tiara, "Pero hindi mo ko mapipigilan na hindi isipin ang kaligtasan mo. Sabay tayong lalaban at hindi ka dapat bumitaw sa 'kin. Naiintindihan mo ba?"

Hail Academy: High School of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon