Chapter XXXIV. Hunting the Grim

1K 32 4
                                    



(29th of December)



[NELLY ALMAZAN]


"Hindi si Julia ang Grim, 'yon ang nasisiguro ko." sabi ko sa kanila.

Mataman silang nakatingin at nakikinig sa 'kin. Nandito kami ngayon sa Office of the Grim Hunters kung saan napagpasyahan naming magpulong-pulong para sa susunod naming magiging aksyon laban sa kaniya---sa totoong Grim.

"Personal guard ako ni Julia noon pa man at hindi si Julia ang may kagagawan sa pagpatay sa sinasabi niyong si Judy Martley. Kung balak man niyang mang-agaw ng posisyon sa Student Council, pupuntiryahin niya kaagad ang pagiging presidente at nagkataon lang na namatay no'n si Judy at ginamit niya ang opportunity na 'yon."

"Kung gano'n, hindi si Julia ang Grim Reapress?" takang saad ni Tiara.

"Pero halos siya ang tinuturo ng lahat ng ebidensya simula pa lang doon sa nilapag na clues ni Judy." sabad naman ni Lilian.

"Kung si Julia nga ang Grim dapat tapos na ang laro lalo na't patay na siya pero hindi, nagpapatuloy pa rin ang lahat at mukhang malayo pa nga tayo sa katapusan."

Nakita ko ang sunod-sunod nilang pagbuntong-hininga dahil sa sinabi ko.

'Yong akala naming tapos na ang laban pero hindi pa pala.

Hindi pa nagsisimula ang totoong unos.

"Maiba muna ako, 'yong lagay ni Vienna hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan." sabi naman ni Race sa 'kin.

"'Yon na nga sana ang sasabihin ko dahil sa totoo lang 'yong nangyari kay Vienna ay nangyari na rin sa 'kin." muling napunta ang atensyon nila sa 'kin. "Dati na rin akong na-brainwash ni Julia, kung tutuusin ako nga yata ang una niyang naging biktima dahil simula pa lang no'ng inannounce ang Crown Game, napasailalim na niya ako."

Pinasadahan ko silang lahat ng tingin.

"Dudurugin niya ang lahat sa 'yo, huhukayin ang mga binaong alaala at ipaparanas niya sa 'yo ang lahat ng pasakit sa mundo hanggang sa sumuko ka na. At doon na siya lalapit at sasabihing siya lang ang tanging tatanggap sa 'yo, na siya lang ang nag-iisang makakaintindi sa 'yo." Napayuko ako at malungkot na ngumiti, "Sa totoo lang, nakaka-comfort siya. Wala na kong mga magulang at naghahanap talaga ako ng kalinga at pagmamahal na kailanman ay hindi ko pa nararanasan. Hanggang sa dumating si Julia at tinaniman niya ko ng mga pangarap, ng pag-asa. Hindi naman ako gano'n kahina para madali niyang makontrol pero gusto ko rin kasi ang mga ginagawa niya para sa 'kin, gusto ko ng pagmamahal. Hanggang sa malunod na nga ako at tuluyan na niya akong napaikot. Natauhan lamang ako noong Hail Fest, dahil kay Monina."

Monina...

"Si Monina ang una kong kaibigan, walang gustong makipagkaibigan sa 'kin no'ng una dahil mukha raw akong masungit pero si Monina... hindi siya nagdalawang-isip, hindi siya mapili, napakabuti niyang tao. Lahat gusto kong gawin para kay Monina at alam kong mas kailangan niya ko ngayon dahil sa Crown Game, kailangan niya ng magpoprotekta sa kaniya. Naisip ko rin na hanggat nasa puder kami ni Julia ay magiging ligtas kami pero hindi... hindi siya sumama sa 'kin at 'yon ang hindi ko maintindihan noon. Hindi umalis si Monina sa Section 7 kahit na alam naman niyang mas ligtas kung kasama niya ko, parang gumuho ang lahat ng ipinaglalaban ko no'n hanggang sa ma-realize ko ang lahat, baliw na si Julia at 'yon ang pinakamalaking pagkakamali sa kaniya. Nalaman ko rin na may gamot na isinasama sa inumin namin para manatili kaming lunod sa mga utos niya, unti-unti na rin pala niya kaming ginagawang baliw katulad niya."

Hail Academy: High School of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon