Chapter XXV. Christmas Tragedies

1.1K 33 2
                                    



(25th of December)


[RACE CORTÉZ]


Nakahanda na kaming lahat, mula sa mga armas na dala namin at maging sa aming mga kasuotan.

Buong buhay ko, hindi ko lubos maisip na mapupunta kami sa ganitong sitwasyon. Kami na ginugugol lang ang buhay high school sa pagpupuno ng mga masasayang alaala. Pero ngayon... sasabak lang naman kami sa isang maaksyon na kaganapan.

Kahit na ano pang sabihin at isipin nila, alam naman namin na hindi pa talaga kami handa. Halata sa bawat isa ang kaba at pag-aalala.

Nilapitan ko si Monina na kanina pa bumubuntong-hininga nang paulit-ulit. Hinawakan ko ang kamay niya na bahagya niyang ikinagulat. Sobrang nanlalamig ang mga kamay niya.

"Gusto mo bang maiwan ka na lang din dito kasama si Lilian? Magiging maayos lang naman kami." sabi ko sa kaniya habang pinilit kong ngumiti.

Pero umiling siya, "Sasama ako, Race. Kung nasaan kayo, nandoon din ako. Tulad ni Axe, hindi rin ako matatahimik kung nasa peligro kayo tapos ako nandito lang, nanonood." pahayag niya sa 'kin.

Ako naman ang napabuntong-hininga dahil sa sinabi niya.

Nag-aalala ako para sa kanila ni Sidney. Ayoko na nga sana silang sumama pa pero mukhang hindi talaga sila papayag na maiwan, lalong-lalo na si Sidney.

Pinisil ni Monina ang kamay ko kaya't napabalik ako sa realidad mula sa pag-iisip ko.

"Alam kong nag-aalala ka, Race. Salamat sa pag-aalala pero gusto ko rin namang makatulong at maaaring mapilit ko rin si Nelly para bumalik na siya sa 'tin. Gusto kong makumpleto ulit ang grupo natin. Hindi pa huli ang lahat kung magtatagumpay tayo ngayon."

Tama si Monina. Siya lang ang makakakumbinsi kay Nelly, sila na matagal ng magkaibigan. Alam kong mapipilit niyang kumampi ulit si Nelly sa 'min.

Ginulo ko ang malambot at maikli niyang buhok na palagi kong ginagawa sa kaniya. Saglit siyang napabusangot dahil sa ginawa ko pero pareho rin kaming napangiti pagtapos.

"Merry Christmas!" sabi niya sa 'kin.

"Merry Christmas." pagtugon ko naman.

Nakuha naman ni Lilian ang atensyon namin nang lakasan niya ang boses niya sa pagsasalita.

"Oras na." pauna niyang sambit. "Ako ang magiging guide niyo, panatilihin niyo ang mga device na nakasuot sa inyo tulad na lang ng spy cam, earpiece at tracker. Sa pamamagitan niyan, matutulungan ko kayo sakaling may malapit na Custodian sa inyo at matuturo ko rin sa inyo ang tamang daan papunta sa underground."

Tinuro niya ang isang lugar sa Hail Academy na nakasulat ngayon sa white board dito sa office.

"Dito kayo manggagaling, ang lugar na ito ang madalang na puntahan ng mga tao, Maaaring may Custodians kaagad na sasalubong sa inyo kaya dapat na maging alerto kayo. Nakakalat ang mga harang at imposibleng makatakas pero palagi niyo dapat isipin ang purpose ng misyon na 'to; Ang iligtas sila Vienna, Dice at Yani maging ang iba pang captives."

Tumango kaming lahat.

Bumuntong-hininga na naman ako.

Vienna.

Hintayin mo ko, ililigtas kita!



+++++

Hail Academy: High School of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon