Chapter XXVII. The Killer's Daughter

1.1K 33 0
                                    



(Date Unknown)



[VIENNA MARASIGAN]


Inilagay nila ako sa isang puting kwarto na wala ni isang bintana. Nakaupo ako sa isang upuang inilaan nila para sa 'kin, himala ngang hindi nila ako tinali ngayon eh. May isa ring lamesa sa tapat ko at may isa pang upuan doon na animo'y may hinihinatay na kung sino mang uupo.

Base sa ayos nito, para akong nasa interrogation room ng isang police station. Ang kaibahan nga lang, ay may isang patalim ngayon na nakapatong sa mismong lamesa na nasa tapat ko. Balak ba nilang kitilin ko ang sarili kong buhay? Psh. Mga patawa.

Matutulog na sana ako sa sobrang pagkabagot nang bumukas ang pinto. Iniluwa no'n si Julia na nakasuot pa ng salamin sa mata at may hawak na papeles. Ano na naman bang trip nitong bruhang 'to? Feeling detective, gano'n? Eww, 'di bagay.

Umupo siya sa bakanteng upuang nakatapat sa 'kin. "So, you're Ms. Vienna Marasigan, right?" sabi niya habang nakatingin pa rin sa papel na hawak niya.

Napasandal ako sa upuan ko kasabay ng saglit na pagbungisngis. "Seryoso, Julia? Wala ka na ba talagang magawa? At ngayon, trip mo namang magkunwari-kunwarian? Ang galing talaga!" sarkastiko kong pagkakasabi sa kaniya.

Doon na niya ako pinukulan ng tingin. Ibinaba na rin niya ang hawak niyang papel at ipinatong na lang niya ang mga kamay niya sa lamesa.

Ngumisi siya sa 'kin.

Sa wakas, si Julia Agoncillo na ang kausap ko.

"Vienna..." pagbanggit niya sa pangalan ko. "Base sa nabasa ko, anak ka ni Theo at Eleanor Marasigan."

Agad na napalitan ng seryosong ekspresyon ang mukha ko. "Ano namang kinalaman dito ng mga magulang ko?"

"Mga butihing mamamayan sila ng Lungsod ng La Manzana. Mula sa Mama mo na isang primary teacher sa isang public school at sa Papa mo na isa namang office employee ng isang private company. Actually, wala namang interesting sa 'yo, Vienna." sandali siyang huminto para sumandal sa upuan niya. "Pwera na lang sa nalaman ko, na hindi naman talaga si Theodore Marasigan ang tunay mong ama."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niyang 'yon.

Ibig sabihin... alam niya?

"Nagulat ka ba? Sa totoo lang, nagulat din ako eh! Lalo na nang matuklasan ko na ang tunay mong ama... ay ang number one most wanted nang hindi lang isang lungsod kung 'di ng buong bansa, si Fernan Manrique."

"Tumahimik ka na, Julia."

"Number one most wanted, gano'n ba karami ang pinatay ng biological father mo para maging most wanted ng bansa? Wait, titingnan ko lang rito ang record niya."

"Sabi ko, tumahimik ka na."

"Hmm, ninety-seven counts of murder?! What a monster!"

"Hindi ka ba talaga titigil?!" pangatlo ko nang pagbabanta sa kaniya.

Muli niyang inilapag ang hawak niyang papel at tinitigan niya ko. "Kaya siguro ganiyan ka, Vienna. Oo nga't nakikipag-interact ka sa mga tao pero ayaw mong lumalim ang koneksyon nila sa 'yo, ayaw mong malaman nila ang nakaraan mo." Lumapit siya sa 'kin sabay sabing, "Ayaw mong malaman nila na bunga ka ng isang mamamatay-tao."

Hindi na ko nakapagtimpi pa at kinuha ko na ang patalim na nasa lamesa. Akmang aatakihin ko na si Julia nang matigilan ako dahil sa sinabi niya.

"Sige patayin mo ko! Patayin mo ko gamit ang patalim na 'yan! Ganiyan na ganiyan din naman ang ginawa mong pagpatay sa Ate mo 'di ba? Kay Johanna Manrique?"

Hail Academy: High School of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon