Chapter XIII. Grim Hunters

1.4K 33 1
                                    


(1st of December)


[VIENNA MARASIGAN]

"Inakala niyo na si Gavin ang Grim kaya mo siya pinalo, Vienna?"

Napapahid na lang ako sa batok ko sa sobrang kahihiyan. Malay ko ba na hindi pala siya ang Grim at tulad namin hinahanap lang din pala nila ang Grim.

"Sorry talaga, Gavin." mahina ko na lang na pagkakasabi.

"Uminom na muna kayo ng juice at kumain." paghatid naman sa 'min ni Tiara ng isang pitsel ng juice at cookies.

Si Tiara. Naalala ko na naman ang gabing 'yon, halos dalawang buwan na ang nakararaan kung saan kitang-kita ng dalawang mata ko ang pagtupok ng apoy sa ospital na kinalalagyan nila Tiara, Lilian at Butler Seb.

Akala ko hindi ko na sila makikita pa kahit na kailan, kaya sobrang saya ko nang malamang buhay sila.

Naisip na pala ni Butler Seb ang pwedeng sunod na gawin ng Grim kahit na ang pagsunog nito sa ospital, kaya't nakagawa kaagad siya ng plano para makatakas. Bitbit si Lilian at Tiara ay nakatakas sila sa nangangalit na apoy na tumupok sa buong ospital at kumuha sa buhay ng maraming pasyente at empleyado ng ospital na 'yon.

Sobrang nakakalungkot ang balitang 'yon na kahit mga inosente at walang alam patungkol sa Crown Game ay dinadamay na rin ng Grim.

Napakawala niyang awa.

"Teka! Ikaw!"

Napatingin naman kami kay Gavin nang bigla siyang nag-react.

"Nakita kita sa Death List sa Hail, patay ka na ah!" diretsahang pahayag ni Gavin sa naka-wheelchair na si Lilian.

Pinadeklara naming kabilang sa mga nasawi sa nasunog na ospital si Lilian. Ginawa namin 'yon para hindi na maghabol pa ang Grim kay Lilian at isipin niya na napatay na nga niya ito.

Inoobserbahan din namin ang mga magulang ni Lilian pero wala talaga silang ginawa para makita o matagpuan man lang si Lilian. Parang walang epekto sa kanila kahit ang pag-anunsyo na patay na si Lilian.

Dalawang buwan. Dalawang buwan naming itinago sa mansyon ng mga La Raza ang comatose pa na si Lilian hanggang sa noong nakaraang linggo lang ay nagising at nagkamalay na siya. Ngayon ay naka-wheelchair siya dahil hindi pa rin nanunumbalik ang buong sigla at lakas niya matapos nga nang mahaba niyang pagkakatulog.

"Hindi lang ikaw ang nagtataka, Gavin." sabi naman ni Dice na nakasandal lang sa pader. "Akala rin naman ng lahat na patay na at hindi lang matagpuan ang bangkay ni Precious kaya dineklara siyang nawawala, pero ngayon nandito siya at buhay na buhay. Nakakapagtaka rin 'yon, hindi ba?"

Oo nga. Ang alam kasi talaga ng lahat ay magkasamang pinatay ng Grim sila Yani at ang kaibigan nitong si Judy pero ang katawan lang ni Judy ang tanging nakita.

Kahit na dineklarang nawawala si Yani, expected na rin ng lahat na patay na siya. Pero nandito siya ngayon, kasama namin at humihinga.

Nakita ko ang pagyuko ni Yani sabay sabing, "N-natakasan ko ang Grim."

Napatingin kaming lahat sa kaniya.

Tama ba 'yong pagkakarinig ko? Natakasan niya ang... Grim?!

"Ako na ang susunod niyang papatayin pero nakatakas ako at nagtago ako sa bahay ni Gavin sa loob ng dalawang buwan." panandali siyang huminto. "Sa tagong lugar kung saan niyo kami nakita ni Gavin, doon din ang lugar kung saan kami tinorture ng Grim, kaming dalawa ni Judy." Sinalubong niya ang tingin naming lahat. "Kaya nakakapagtaka talaga kung paanong nadiskubre ang lugar na 'yon lalo na't tagong-tago 'yon. Alam niyo ba kung paano 'yon nahanap?"

Hail Academy: High School of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon