Epilogue

1.5K 33 8
                                    


(Graduation Day)


"Let's all give a round of applause to this year's batch Valedictorian, Tiara La Raza from Section 7!"

Animo'y kiliti sa tenga ko ang pagbanggit ng pangalan ko bilang ang batch Valedictorian ng taong ito.

Kakat'wang isipin na sa kinahaba-haba ng lahat ay magtatapos pa rin pala sa ganito.

Sa pagkamit ko sa mga pinapangarap ko sa buhay.

Nakangiti kong inakyat ang stage para sa pagpresinta ko ng aking Valedictorian's speech.

Hinarap ko ang lahat.

Silang lahat.

Napakasaya ko nga dahil kumpleto ang batchmates ko maging 'yong mga nagbalak mag-transfer at umalis ay nandito sa seremonya ng pagtatapos.

Mas nakakakaba nga lang dahil ang dami nilang makikinig sa akin. Nakakakaba pa rin pala kahit na ilang beses ko ng sinanay ang mga sasabihin ko sa harapan.

Pero nandito na eh. Mas maigi nang ituloy.

Kaya't bago ko simulan ang speech ko ay malalim muna akong bumuntong-hininga at ngumiti sa kanila.

"Una sa lahat, binabati ko ang bawat isa para sa masigabong pagtatapos na ito."

Pinasadahan ko silang lahat ng tingin at saka dumako ang paningin ko kung nasaan si Mr. Oliveros.

"Pinagpapasalamatan ko ang ating butihing Vice Mayor and School President na si Vice Mayor Oliveros sa pagdalo sa ating graduation ceremony. Salamat po sa pagbibigay sa amin ng inyong oras."

Isang ngiti rin ang itinugon niya sa akin.

"Gano'n na rin sa ating mga guro, salamat po dahil sa inyong walang sawang paghahatid ng gabay at talino sa aming mga mag-aaral. At sa bawat manggagawa ng paaralang ito na binibigay ang lahat ng kasipagan sa bawat oras at pagkakataon. Salamat po sa inyo."

At muli ko ng iniharap ang sarili ko sa kanila.

"Para naman sa aking mga kapwa mag-aaral, ipinagpapasalamat ko rin kayo sapagkat..." Sandali akong huminto, "Sapagkat namatay kayong lahat para sa aking pagtatagumpay."

Binigyan ko sila ng isang masamyong ngiti.

"Kayo na kumuha sa buhay na dapat ay tinatamasa ko, kayo na anak ng mga demonyong pumatay sa mga magulang ko at kayo na hinarang ang pagkamit ko ng kaligayahan at normal na buhay sa mundong ito. Salamat, mga kamag-aral. Salamat sa pagbubuwis ng inyong mga buhay para sa kasalanan ng inyong lahi."

Sandali akong tumigil para humugot nang hininga.

"Gusto ko lang din sanang sabihin na napakahangal niyo para hindi ako mahuli, ang anghel sa larong ito. Ako na nag-iisa lamang ay hindi niyo pa napagdudahan. Masyado kayong nagpabulag sa liwanag ng mga pakpak ko na hindi niyo mawari na ako nga ang anghel ng kamatayan."

Bahagya akong natawa.

"Buong taon ay natatawa lamang ako sa inyong lahat. Pinatunayan niyo lang naman na kahit saan man kayo nakatapak, mahirap man o mayaman, pare-pareho lang ang takbo ng utak ninyong mga hunghang! Napakadali niyong malinlang, napakadali niyong mauto. Isa kayong malaking kahihiyan sa mundong ito."

Hail Academy: High School of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon