Chapter XXXX. Death of an Angel

960 29 5
                                    



(7th of February)



[NATHAN LUNSFORD]


"Anong ibig sabihin nito?! Pakawalan niyo kami!"

"Paalisin niyo ko rito!"

"Tulong!"

Ilan lamang 'yan sa mga isinisigaw nila gamit ang buo nilang lakas.

Kaawa-awa kung titingnan pero ito na ang katapusan.

Sa wakas nasa kamay na natin ang pagtatagumpay, Eliza!

"Susunugin na ba natin sila?" pagtatanong sa 'kin ng isang estudyanteng galing sa Section 1 habang binubuhusan ng gas ang ilalim ng krus kung saan sila nakapako.

"Hintayin natin at darating siya para iligtas ang mga nasasakupan niya." kalmado ko lamang na pagtugon. "Darating ang Grim."

Makikita ngayon sa open field ang mga natitira sa Section 7. Nakapako sa bawat krus na nakalaan para sa kanila. Humihingi ng tulong, nagmamakaawa at sumisigaw sa sakit.

Tama lang 'yan sa inyo, mga hunghang!

Gustong-gusto ko na silang silaban pero pinapakalma ko na muna ang sarili ko.

Dahil parating na siya.

"Tiara." pagbanggit ko sa pangalan niya.

Naisakatuparan namin ang lahat ng ito nang tipunin ko ang mga estudyante ng Hail Academy pwera lang sa kanila---sa Section 7 na siyang magiging paksa namin sa pagtitipon.

Sabado at sa loob ng Auditorium, inukupahan ang bawat silya ng mga estudyanteng pagod na sa sistema at sa buhay impyerno.

"Wala na si Julia pero nagpapatuloy pa rin ang pagpatay." Pinasadahan ko silang lahat ng tingin. "At isa lang ang ibig sabihin no'n... buhay pa ang Grim at hindi pa tapos ang laro."

Naglakad-lakad ako sa malawak na stage.

"Hanggang kailan tayo maghihirap? Masasaktan? Iiyak para sa mga kaibigan natin at mga mahal natin sa buhay na pinapaslang ng Grim?"

Makikita sa kanila ang kagustuhan nang makalaya sa kulungang ito, maibalik sa dati ang lahat at maging payapa na ang buhay.

"Tapusin na natin ang Crown Game ngayon na!" wika ko na ikinabuhay ng patay nilang mga mata.

Muli akong huminto sa gitna para tapatan ang tingin nilang lahat.

"Hindi niyo ba pansin na ang unang pagpatay na naganap ay sa Section 7 nanggaling?"

Nagbulong-bulungan sila.

"Ang pinaka-unang namatay ay walang iba kung 'di ang dapat na nandito ngayon sa harapan at siyang nagsasalita sa ating lahat." Hinihintay nila kung sino ang tinutukoy ko, "Si Eliza Mendez ng Section 7."

Mas lalong lumakas ang bawat pag-uusap nila.

"Totoo ngang hindi pa nag-uumpisa ang Crown Game nang mamatay si Eliza, ang nakita rin ng lahat ay ang pagtalon niya mula sa tuktok ng school building pero..." sandali akong tumigil. "Hindi siya nagpakamatay dahil ginusto niya kung 'di pinilit siya. Pinatay siya ng Grim, pinatay siya ni Tiara La Raza."

"Si Tiara ang Grim? Pero biktima lang din siya 'di ba?" sigaw ng isa sa kanila.

Tumango ako sa kaniya, "Tama ka riyan at ginamit niya ang pagiging biktima para maging pinaka-alas niyang maskara. Umanib na parang kaisa sa 'tin pero siya naman pala ang totoong kalaban. Si Tiara... matagal na niya tayong niloloko. Hindi sa ipinagtatanggol ko si Eliza na dati kong nobya pero maski ako ay pagod na at gusto ko nang matapos ang lahat ng ito. At sa pagkamatay ng Grim, matatapos ang lahat."

Hail Academy: High School of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon