Chapter XI. Survival Instincts

1.5K 34 20
                                    


(30th of November)


[JULIA AGONCILLO]


"Dati na tayong nalagay sa pinakaibaba at hindi na tayo muling papayag na maulit pa 'yon! Hindi na tayo pwedeng tapak-tapakan na lang na kahit na sino! Tayo na ang mamumuno, tayo na ang mangunguna at tayo na ang magwawagi!"

"Julia!"

"Julia!"

"Julia!"

Paulit-ulit nilang pagsigaw sa pangalan ko.

Ako si Julia Agoncillo at ako ang bagong halal na Class President ng Section 4 matapos ang mahabang kaguluhan.

Makikita sa mga mata nila ang pagsilay ng panibagong pag-asa. Pag-asa pagkatapos ng unos.

Pero makikita rin sa mga mata nila ang apoy ng galit at kagustuhang makapaghiganti para sa mga nasayang na buhay ng mga kaklase namin, kaibigan at kapatid.

Iba na ang Section 4, iba na ang wangis namin.

Totoo nga't kapag dumating na talaga sa bingit ng kamatayan ang buhay mo, mas magiging palagay kang itaya ang lahat sa 'yo. Darating na sa puntong wala ka nang sasantuhin para lang makaligtas.

Survival instincts kumbaga.

"Itinataya ko ang buhay ko na sa pamumuno ko, tayo na ang hihiranging... Top Section!" pahayag ko at naghiyawan sila.

Ang mga mukha nilang mabangis ay nagbibigay pahiwatig na handa na sila para sa darating na laban.

Handa na ang mga halimaw ng Section 4.




[GAVIN GLASCO]


"Si Julia na ang bagong Class President?" pagtatanong ko sa kaklase kong si Rick na alam kong hindi umaabset sa klase.

"Bibigyan tayo ng pag-asa ni Julia! Siya ang magiging tagapagligtas natin laban sa Grim!"

Kumunot naman ang noo ko dahil sa isinagot niya. Kelan pa nagkasigla ang isang 'to?

"Pero teka, Gavin. Sino pala 'yang kasama mo? Parang ngayon ko lang siya nakita." pagtukoy niya kay Yani.

Si Yani na balot na balot simula sa pagsusuot niya ng face mask, sunglass, belo sa ulo at makapal na jacket.

"Ah, siya ba? Siya si Mary, kaklase natin siya." sabi ko.

Pinigilan ko ang sarili kong hindi matawa nang kurutin ako nang mahina sa beywang ni Yani.

Siguradong naasar siya dahil sa pangalang binigay ko sa kaniya. Alam ko namang hindi bagay eh! Masyado kayang banal ang pangalan na 'yon para sa kaniya!

"Mary?"

"Hindi mo lang maalala! Nakatakip ang mukha niya kasi nahihiya siya, ang dami niyang peklat!"

Bwahaha! Nasa akin ngayon ang upper hand! Syempre hindi niya pwedeng ilabas ang pagiging amazona niya rito para 'di siya mabisto!

"Siguro nga hindi ko na matandaan ang mga dati nating kaklase dahil sa mga nangyari." pahayag niya at malalim siyang napabuntong-hininga.

Lumungkot ang ekspresyon ng mukha ni Rick. Hahawakan ko na sana siya sa may balikat para i-comfort siya, nang muli siyang magsalita.

Sa pagkakataong ito ay mas masigla na ang boses niya. "Pero nandito na si Julia at magbabago na ang lahat! Ililigtas niya tayo, Gavin!"

Ililigtas, huh?

"Bakit ba gano'n na lang kataas ang tingin niyo kay Julia?" hindi ko mapigilang hindi maitanong.

Hail Academy: High School of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon