Chapter II. Gate of Hail

3.1K 50 2
                                    


(1st of October)


[TIARA LA RAZA]

Nagliliyab na apoy...

Sigaw ng mga tao...

Lumingon ako at nakita ko kung paanong kainin ang mga magulang ko nang nangangalit na apoy!

Kitang-kita ko ang pagkalusaw at paglapnos ng mga balat nila.

"Anak, abutin mo ang kamay ko!"

Umiling-iling ako habang bukas-mata kong nasilayan ang paglagutay ng mga laman nila.

"ANAK, TULUNGAN MO KAMI!"

Napabalikwas ako mula sa pagkakatulog at mabilis kong hinahabol ang paghinga ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napabalikwas ako mula sa pagkakatulog at mabilis kong hinahabol ang paghinga ko.

"Bangungot na naman ba?"

Napatingin ako kay Butler Sebastian na nasa gilid ko na pala.

"Sumisigaw ka kanina kaya pinuntahan kita." sabi pa niya sa 'kin.

Mahigpit akong napayakap sa kaniya, "Butler Seb, napanaginipan ko na naman sila Papa at Mama! Ang apoy! Nasusunog sila!" sabi ko at hindi ko na napigilan pa at napaiyak na ako.

"Shhh..." agad niya akong pinakalma. "Panaginip lang 'yon, Tiara. Panaginip lang." aniya.

Ilang minuto pa bago ako tuluyan nang tumahan.

Kahit na ayoko pang kumilos ay pinilit ako ni Butler Seb na maghanda na sa pagpasok sa eskwelahan.

Matapos kong maligo ay muli kong tiningnan ang sarili ko sa salamin.

Kaya siguro nanaginip ulit ako patungkol sa insidente ay dahil sa nangyari kahapon sa Gymnasium. Ang nakakasulasok na usok... ang trahedyang kumitil sa buhay ni Millie.

Napabuntong-hininga na lamang ako.

Nalaman ko na pinalabas na suicide ang nangyari.

Suicide? Ginagawa lang nilang katatawanan ang mga sarili nila.

Sinuot ko na ang red top and black skirt na uniform namin, itim na mahahabang medyas, at itim na makintab na sapatos.

Kasalukuyan nang sinusuklayan ni Butler Seb ang mahabang tuwid na itim kong buhok.

"Hindi ba't luma na 'yang maskara mo, Butler Seb?" tanong ko sa kaniya habang nakatingin ako sa repleksyon niya sa salamin na nasa harapan namin ngayon.

"Ang maskarang ito ay gawa sa abo ng dating mansyon ng mga La Raza, wala ng makapapantay pa rito."

Napabusangot ako, "Pero nasa modern times na tayo!"

Hail Academy: High School of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon