Chapter VII. The Show

1.7K 40 2
                                    


(2nd of October)


[VIENNA MARASIGAN]


"Sino ang Grim, Lilian?!"

Pero imbes na sagutin ang tanong ko ay hinawakan niya ang ulo niya at namilipit siya sa sakit.

"S-sobrang sakit ng ulo ko! AHH!"

Sinamaan ko siya nang tingin.

Kung totoo man ang sinasabi niya, hindi ito ang oras para sa kahit na anong sakit. Marami ng namatay na estudyante rito at kung nakilala nga niya kung sino ang Grim dapat lang na sabihin niya 'yon sa 'kin!

"Lilian! Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko! Sino ang Grim?!"

Desperada na kung desperada pero gusto ko nang matapos ang impyernong 'to! Kung kailangang pilitin siya, gagawin ko! Kailangan nang mahuli ang Grim!

"Ahh!!" muli niyang pagsigaw at tuluyan na nga siyang napaupo.

"Lilian, makinig ka sa 'kin! Kailangan mong sabihin kung sino ang Grim!" pagpilit ko sa kaniya.

"Lilian! Sumagot ka! Lilian!"

"Lilian, ano ba!"

Ngunit natauhan ako nang bigla kong maalala ang mga naganap sa nakaraan.


"Vienna! Sumagot ka! Anong nangyari sa Ate mo? Vienna! Vienna!"

"Vienna!"

Tinakpan ko ang magkabila kong tenga.

Ayokong marinig ang mga sigaw nila! Ayokong marinig ang mga palahaw nila!

Tumakbo ako nang tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta kailangang makalayo ako sa kanila.

Ang tinig niya lang ang gusto kong marinig pero... noong bumalik na siya galing probinsya, naging katulad na rin siya ng iba!

Nakakarindi na rin ang boses niya, nakakainis, nakakairita pakinggan!

Gusto kong bumalik na siya sa dati.

Gusto ko na ulit marinig ang masamyo niyang boses.

Gusto kong makasama ang tanging itinuturing kong nag-iisa kong pamilya.

Kaya kinuha ko ang patalim.

Kung ito ang paraan para bumalik siya sa dati, gagawin ko. Gagawin ko ang lahat!

"Vienna... anong ginawa mo sa Ate mo?!"


"Tama na 'yan!"

Nabalik ako sa realidad nang inilayo ako ni Tiara mula kay Lilian.

"Wala na siyang malay." pahayag ni Dice nang lapitan niya si Lilian.

"Umalis na si Dr. Garcia, walang tutulong sa 'tin dito, sa ospital na lang natin siya dalhin!" wika ni Tiara at agaran na silang kumilos.

Binuhat ni Dice si Lilian at patakbong bumaba palabas ng Hail.

Hail Academy: High School of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon