Chapter XXII. Hail Fest (Part 3)

1.1K 30 0
                                    


Darkness


(20th of December)


[TIARA LA RAZA]


Tumayo ako sa harapan ng Section 7.

"Ano man ang maging resulta, gusto ko na ma-appreciate niyo ang mga sarili niyo sa araw na 'to. Sa lahat ng efforts at sacrifices na ibinuhos ng bawat isa. Sa lahat ng paghihirap at sa lahat ng pagsisipag na ipinamalas niyo. Gusto kong isipin niyong lahat na nagawa natin ang best natin! Na-achieved natin ang ganito! Ano man ang mangyari, mananatili pa rin tayong iisang section na nagkakaisa at nagtutulungan. Dahil tayo ang Section 7 at tayo ang Top Section."

Nagwakas na ang Hail Fest. Oras na para sa resulta.

Gusto ko lamang na pagaanin ang loob nila lalo na't alam ko naman na kinakabahan kaming lahat para sa kalalabasan.

Maski ako ay hindi sigurado kung nalampasan nga ba namin ang points ng Section 2 na hawak ni Nathan Lunsford.

Pero sabi ko nga, nagawa namin ang best namin! Papabor sa 'min ang lahat!

Pumunta na kaming buong Section 7 sa open grounds kung saan sandamakmak ang mga tao dahil sa huling attraction na palaging inaabangan tuwing Hail Fest, ang closing concert.

Maingay at nagsasayawan ang lahat! Ayoko sanang nandito pero dito kasi ilalahad ang announcement.

Pa'no kaya kung sila Vienna ang kasama ko ngayon dito? Baka siguro na-enjoy ko pa.

Kaso... wala sila.

"Nagsasaya ba ang lahat?!" pagsigaw ng Master of Ceremony or MC na nasa itaas ng stage.

Tumugon din naman ng sigaw ang crowd.

"Ngayon, bago tayo tumuloy sa susunod na artist, ipapaalam na muna namin ang inaabangang resulta ng Hail Fest!"

Ito na.

Pilit kong pinapakalma ang sarili ko pero nangingibabaw pa rin ang malakas na pagkabog sa dibdib ko.

Kinakabahan na ko nang sobra.

"Ipapakita namin dito sa big screen ang nalikom na points ng tatlong main attractions natin! Magsisimula sa Section 2, sa Section 4 at sa last na Section 7 ng graduating Senior high school students!"

May bigla namang umakyat at binulungan ang MC. Nakita kong tumango ang MC at nag-okay sign.

"Wow! Guess what, guys? May big guest lang naman tayo rito! Sino pa ba? Kung 'di ang may-ari ng Hail Academy at ang Vice Mayor ng La Manzana City, Vice Mayor Oliveros! Salubungin natin siya nang masigabong palakpakan na may kasamang hiyawan! Whoo!"

Aabangan din ba ni Oliveros ang resulta?

Parang mas lalong nakadagdag lang ng kaba 'yon sa 'kin.

Pinasadahan niya muna kami nang tingin na parang may hinahanap siyang kung sino sa 'min.

Nagbigay siya ng typical speech.

Animo'y napakatino niya sa kung paano siyang magsalita pero sa kaloob-looban ay isa siyang demonyo sa lupa.

"Well, I hope you enjoy yourselves tonight and goodluck pala especially sa ating graduating Senior students! Thank you everyone!" huli niyang pahayag.

Pinalakpakan siya ng crowd, "That's our Vice Mayor! Wow! What a special night para daanan pa tayo ni Vice Mayor Oliveros!" Muling pagbalik ng MC. "And now, going back to our business. Let's see kung sino sa three main attractions ang mananalo sa Hail Fest sa taong ito! Are you all excited?! Yeah! So am I!"

Hail Academy: High School of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon