Chapter XXXIX. Demons Within

929 27 4
                                    



(28th of January)



[GAVIN GLASCO]

"Hanggang kailan mo ititikom 'yang bibig mo ha?" sabi ko sa kaniya at muli ko na naman siyang sinuntok sa sikmura. Maririnig sa malawak na basement ng La Raza Mansion ang malakas niyang pagimpit ng sigaw.

Lupaypay na ang katawan niyang nakatali sa upuan habang kanina pa nagdudugo ang ilong at bibig niya.

Sa totoo lang, nakakaawa siyang tingnan. Parang wala kasi sa itsura niya ang gumawa ng masama pero kapag naririnig ko na ang pagtawa niya...

"Bwisit!" inis kong reaksyon.

Hindi ko talaga napipigilang manggigil sa kaniya.

"Demonyo ka! Saan mo ba tinago si Vienna?!"

Pero hindi siya sumasagot bagkus ay tinatawanan niya lang kami.

"Hayop ka talaga, Race!"

Pumagitna na sa 'min si Butler Seb na sinabing tama na muna ang ginawa naming pangtotorture kay Race para aminin kung saan niya dinala si Vienna.

"Tama na, Gavin. Gabi na at marami ng lakas ang nasayang sa 'yo, magpahinga ka na." ani ni Butler Seb sa 'kin.

Napabuga na lamang ako nang hininga at sinimulan ko nang tanggalin ang benda na pinangpoprotekta ko sa kamao ko.

Ginawa na naming bihag si Race.

Dahil hindi na kami papayag na abutin pa ng February para lang sabihin niya sa 'min kung nasaan si Vienna. Tapos na ang halos isang buwan na pagiging maluwag namin sa kaniya.

Oras na ng pagbabayad.

Alam kong napakapangit tingnan na kaming Grim Hunters na dapat ay tinutulungan ang kapwa namin estudyante ay ang siya pang nagmumukhang masama sa puntong 'to.

Pero hindi namin pinapaburan ang mga baliw na katulad ni Julia, at lalong-lalo naman si Race dahil kaligtasan ng kaibigan namin ang pinag-uusapan dito.

Ano bang malay namin sa kung ano ng ginagawa ng Race na 'yan kay Vienna, 'di ba?

Kung ang pagiging dahas na lamang ang tanging sagot sa lahat, 'yon ang gagawin ko.

Pero iba pala ang bubungad sa 'kin sa pag-akyat ko sa bulwagan ng mansyon.

Sa tapat ng pinto ay nakatayo siya at wari'y may hinihintay habang mahigpit niyang hinahawakan ang dalawang baril sa magkabila niyang mga kamay.

"Nelly, bumalik ka na." pambungad ko sa kaniya at ngumiti nang pilit.

Hindi matutukoy sa mga mata niya kung ano ang iniisip niya. Dahil napakablangko ng mga mata niya pero ang awra niya... nagliliyab.

"Medyo matagal din tayong hindi nagkita." pagpapatuloy ko at naglakad ako sa may gitna ng bulwagan. "Matapos nang pagsalubong natin sa bagong taon bigla ka na lang nawala. Iniwan mo kami tulad ni Lilian. Nakakamiss ka naman."

"Oo nga eh. Matagal tayong hindi nagkita-kita." pagtugon niya. Nakita ko kung paanong naningkit ang mga mata niya habang matamang nakatitig sa 'kin bago siya muling nagsalita. "Tapos malalaman ko na lang na sa pagbalik ko... ganiyan na ang sinapit ng kaibigan ko."

Natahimik ako dahil sa sinabi niya.

At kung kaninang nakakangiti pa ko, ngayon sumeryoso na ang itsura ko.

Hail Academy: High School of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon