Chapter XXXXV. The Faker

969 28 0
                                    


X NO TO SPOILERS!!! X

Thank you.


(Date unknown)



Kitang-kita ko ang mga pagmumukha nila.

Kailanman hinding-hindi maaalis sa isipan ko ang mga pagkukutya nila.

Ang bawat tawa at paghalakhak.

Mga bulungan at mapanghusgang mga mata.

Kasalanan ko bang hindi ako ipinanganak na maganda base sa pamantayan nila ng pagiging maganda?

"Sobrang pangit ko." wika ko sa sarili kong repleksyong sa salamin habang tinititigang maigi ang mukha ko.

Kung bakit ba naman kasi ganito ang naging itsura ko?

Isinumpa.

Matapos maganap ang sunog na tumupok sa bahay namin, nadamay din pati ang katawan ko at balat ko na nalapnos nang malala

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Matapos maganap ang sunog na tumupok sa bahay namin, nadamay din pati ang katawan ko at balat ko na nalapnos nang malala.

Alam kong hindi ako kagandahan noon pa man pero ngayong ganito na ang sinapit ko, hindi lang ako isang pangit, isa na ring halimaw ang itsura ko.

Sobra kong kinagagalitan ang sarili ko dahil sa mga kapintasan ko. Lahat na yata ng kamalasan ay napunta na sa 'kin.

Ano bang nagawa ko para magdusa ng ganito?

"Hay." pagbuntong-hininga ko sa 'di ko na mabilang na beses.

Pagod na ang mga paa ko sa kakalakad pero kung 'di ako maglalakad pa'no na lang ako makakauwi 'di ba?

Mahirap lamang kami na ni pambili ng ulam ay hirap pa kami. Nakapasok lang ako sa elementaryang ito dahil sa ang mga magulang ko ay dito nagtatrabaho bilang mga janitor at janitress.

Ang mga kasama ko rito ay mga anak-mayaman. Kung hindi anak ng isang abogado o doktor, isang businessman o nasa politika ang lahi nila.

Nakakainggit.

Habang ako ay hamak lamang na anak ng isang taga-linis.

Pwede sanang pang-Cinderella ang istorya ko dahil napakaraming parang mga prinsepe sa paaralang ito pero... hindi ako maganda hindi katulad ni Cinderella.

Kung tutuusin, mas mukha akong hayop kaysa isang tao.

"Sharon, anak. Kumain ka na, sorry kasi tuyo lang ang maihahanda namin ngayon. Nagkabayaran kasi ng gastusin at mga utang. Hayaan mo sa susunod mag-uulam na tayo ng manok." ani sa 'kin ni tatay pero hindi ko siya pinansin.

Nagdire-diretso lang ako sa pinaghahati-hatian naming kwarto at hinayaan silang kumain doon kasama ang walo ko pang kapatid na mas bata sa 'kin.

Kinaiinisan ko ang sarili ko pero mas kinaiinisan ko sila---ang mga magulang ko.

Hail Academy: High School of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon