Chapter XXXXVI. Endgame (Part 1)

1.1K 27 0
                                    



(2nd of March)



[GAVIN GLASCO]

Niyakap niya rin ako pabalik pero ilang segundo lang ay naging maluwag na ang pagyakap niya sa 'kin hanggang sa tuluyan nang lumaylay ang mga kamay niya.

"Yani?"

Nataranta ako nang hindi ko na maramdaman pa ang paghinga niya.

"Yani? Yani, gumising ka! Yani, please! Yani... 'wag mo kong iwan..."

Napahagulhol na ko sa iyak habang ikinulong ko siya nang mahigpit sa mga bisig ko.

"Yani..." muli kong pagbanggit sa pangalan niya.

Si Yani, ang babaeng minamahal ko...

Si Yani... wala na.




(earlier around 2:00AM)


Isang malakas na pagsabog ang naganap habang nagpapahinga at nagpaplano kami rito sa loob ng Attic. Mula sa isa hanggang sa sunod-sunod na pagsabog ang narinig namin na animo'y walang balak, kung sino man ang may gawa nito, na may itira pang buhay sa 'min.

Na para siyang may galit.

Kaagad kong binuhat si Yani papalayo sa mga nagbabagsakang semento habang prinotektahan naman nila Vienna at Dice si Lilian na nanghihina pa rin.

"Akala ko ba Gavin ikaw lang ang nakakaalam ng lugar na 'to? Bakit parang alam nilang may tao rito?!" pilit na pagsigaw sa 'kin ni Vienna habang madali kaming bumababa mula sa school building na kinasasadlakan namin.

Tutugon na sana ako nang may biglang sumulpot sa harapan namin.

Isang lalaki.

Kaagad na nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko kung sino siya.

Binalak niyang higitin papalayo sa 'min si Vienna pero mabilis na dumipensa si Dice kaya't bigo siya sa balak niyang gawin.

Dumistansya kami sa kaniya lalo na't may hawak siyang bomba sa magkabila niyang mga kamay gano'n na rin sa suot niyang damit.

"Race." madiin kong pagbanggit sa pangalan niya habang matalas din akong nakatingin sa kaniya.

Hanggang dito ba naman pepestehin kami ng lalaking 'to?! Pa'no na lang pala kung may nangyaring masama kay Yani at sa iba pa dahil sa kabaliwan niya?!

"Bwisit ka talaga!" hindi ko mapigilang hindi maisambit sa kaniya.

"Anong kailangan mo, Race?" seryosong pagtatanong ni Dice sa kaniya habang nakahanda na ang hawak niyang matalas na katana.

Yamot na tumingin sa 'min si Race sabay sabing, "Hindi ano, kung 'di sino." Tumingin siya sa direksyon ni Vienna. "Si Vienna lang naman ang kailangan ko. Ewan ko ba kung bakit palagi kayong pumapapel."

"Ikaw ang mapapel! At hindi kami papayag na kunin mo si Vienna!" pagsigaw ko sa kaniya.

Pero kabaliktaran naman no'n ang naging reaksyon ni Vienna nang harapin niya kami.

"Umalis na kayo rito, ako ang habol niya. Hindi niya kayo aatakihin hangga't hindi niyo ko kasama."

Kaagad na nangunot ang noo ko dahil sa ipinahayag ni Vienna.

Hail Academy: High School of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon