Chapter XXXXIII. Twelve-Hour Death

1K 28 3
                                    


X NO TO SPOILERS!!! X

Thank you.



(1st of March)



[NELLY ALMAZAN]


Ilang araw na ang lumipas simula nang mangyari 'yon...

Ang pagtalon ni Tiara mula sa tuktok ng school building katulad kung paanong tumalon din si Eliza ilang taon na ang nakararaan.

Nabalitaan pa namin na matapos lamang ang tatlong araw ay natagpuan ang sunog na bangkay ni Nathan.

Pero dalawang labi ang nakita, sino kaya 'yong isa?

At kahit na mga kilalang tao ang nabawas sa 'min ngayon tulad nga ni Tiara at Nathan na dalawa sa pinakamakapangyarihang estudyante ng paaralang ito, nagpatuloy pa rin ang takbo ng buhay dito sa loob ng Hail Academy.

Pero sa pagkakataong ito ay wala kaming sinusunod na kahit na sino.

Walang gustong kumuha sa pwestong iniwan ni Tiara na kung dati ay pinag-aagawan pa ng karamihan.

State of Leaderless.

Naging tahimik ang mga nakalipas na araw kaya't mas lumalakas ang paniniwalang si Tiara nga ang Grim tulad ng sabi ni Nathan.

Pero napakalaking pagkakamali ang ginawa nilang 'yon.

Siguradong kapag nalaman nila kung sino ang Grim, pagsisisihan nila hanggang sa malagutan sila nang hininga ang ginawa nilang pagkakanulo kay Tiara na walang ibang inisip kung 'di ang ikagaganda ng mga buhay nila.

Pumatay lang naman sila ng isang anghel.

At ngayon, ipinatawag kaming lahat dito ni Oliveros sa Auditorium para raw sa nalalapit naming graduation. Hindi na nga students ang tawag sa 'min kung 'di "candidates".

Candidates for Graduation.

Parang napakasarap pakinggan, ano?

Pero sa tuwing naiisip ko ang kalagayan ng mga kaibigan ko, hindi ko magawang maging masaya sa nalalapit na graduation na 'to.

Kung bakit ba naman kasi trinaydor mo kami.

Trinaydor mo kami, Axe.

Noong na-locate ko na kung nasaan si Monina, nakasalubong ko si Axe na nagyoyosi pa.

Hindi ako makapaniwala no'n dahil inakala kong patay na siya at nakuha ng Custodians ang bangkay niya pero heto siya ngayon sa harapan ko at may hawak pang rifle.

"Axe, buhay ka! Napasok mo na ba ang loob? Na-trace ko kasi na nandiyan si Monina." pahayag ko sa kaniya.

Pero nanatiling nakatanaw lamang siya sa malayo habang patuloy na hinihithit ang yosi niya.

Ni hindi man lang niya ako pinukulan nang tingin na parang wala lang ako roon.

"Axe?" muli kong pagbanggit sa palayaw niya.

Nagsimula na kong magduda. Kadalasan kasi ay approachable naman ni Axe at siya pa mismo ang nag-iinsist ng pag-uusap namin.

Pero ngayon... kakaiba ang ikinikilos niya.

Nagsimula na kong maging alerto kahit na sigurado naman ako na hindi siya gagawa ng bagay na ikasisira ng pagkakaibigan namin.

Hindi naman siguro niya ako aatakihin, hindi ba?

Hail Academy: High School of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon