Chapter XXVI. Bloody Christmas

947 31 2
                                    


(Night of the 25th of December)



[RACE CORTÉZ]


Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

Ang mga taong dapat na ililigtas namin ay siya pang may hawak ng sandata laban sa 'min.

"Vienna..." mahina kong pagbanggit sa pangalan niya habang nakatitig pa rin ako sa kaniya.

Walang makikitang emosyon sa mga mata niya.

Parang hindi siya ang Vienna Marasigan na kilala ko... ang minamahal ko.

Nabasag ang katahimikan nang marinig namin ang malakas na pagsigaw ni Sven.

"ANONG GINAWA NIYO KAY AXE?!"

At hindi ko na nga siya napigilan nang bigla na lang siyang sumugod sa kanila.

"PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT!!!" pagsigaw pa niya.

Pero ni hindi man lang siya nakalapit sa kanila nang barilin siya sa paa.

Binaril siya ni Nelly. Si Nelly na ilang taon na naming nakasama, si Nelly na siyang kaibigan namin.

"Sven!" pagsambit ko at kaagad ko siyang nilapitan. "Nelly, ano bang nangyayari sa 'yo?!" pagalit kong saad kay Nelly.

Pero si Julia ang tumugon sa 'kin, "Nelly? Sinong Nelly? Walang Nelly dito. Ang tatlong 'yan? Mga Pawn ko sila at syempre bago niyo maabot ang Queen, dapat dumaan muna kayo sa pinakamababa."

Hindi ko mapigilang manggalaiti dahil sa kaniya. "Hayop ka, Julia! Anong ginawa mo sa kanila?!"

Umakto siya na parang nag-iisip. "Actually, kagustuhan naman nila 'yan. Kagustuhan nilang sundin ang mga utos ko." Umayos siya nang pagtindig, "Well, back to business! Bibigyan ko kayo ng pagkakataong makalaya, Race at Sven. Tutal, kayo rin naman ang habol ng Grim, mas maigi ng dapat na may matira sa section niyo para may ma-hunt pa rin naman ang Grim 'di ba? So, aalis ba kayo o hindi?"

"Papatayin kita, Julia!!!" gigil na pagsigaw ni Sven kay Julia habang iniinda pa rin niya ang bala na tumama sa kaniya.

"Oh? Kaya mo?" tanging tugon lang ni Julia na parang yamot na yamot sa 'min.

"Oo! Kaya ko!" sabi ko at inihagis ko sa kanila ang huling smoke screen grenade na dala ko.

Tinandaan ko talaga kung saan nakapwesto si Julia at doon nga ako kumaripas nang takbo. Gamit ang patalim na hawak ko, nakangisi akong lumapit sa gulat na gulat na si Julia.

At inindayan ko siya ng saksak.

Wala pang ilang segundo nang maramdaman ko na ang paghawak nila Dice at Vienna sa 'kin papalayo kay Julia. Agad naman na may lumapit kay Julia para lapatan ito ng gamot.

"Walang hiya ka!!!" galit na galit na pagsigaw sa 'kin ni Julia. "Kunin niyo 'yang dalawa!" utos niya at tulad ko ay dinakip din nila si Sven.

Inasikaso siya ng mga alagad niyang tinatawag siyang Queen.

"Paano na lang kung napuruhan mo ko?! Bwisit!" tuloy-tuloy pa rin na pagsasalita ni Julia. Napaparanoid siya para sa buhay niya. Tsk.

"Nakakaramdam din pala ng takot ang mga demonyo?" nakangisi kong pahayag sa kaniya.

Kitang-kita ko ang paniningkit ng mga mata niya sa inis. "Talaga bang ginagalit mo ko, Race?"

Tinitigan ko rin siya nang masama.

Hail Academy: High School of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon