Chapter XII. Hell Lies Ahead

1.3K 28 3
                                    


TRIGGER WARNING!

Contains mature content, including but not limited to suicide, murder, and mutilation.

Reader discretion is advised.

Note: Phoebe pronounce as "fee-bee"/"fibi". Pheobs = fibs

Enjoy!



(1st of June)


[PHOEBE ORTEGA]

"Gavin, ano na naman bang ginagawa mo sa buhay mo?" pagalit kong pagkakasabi sa tulog na tulog at naglalaway pa na si Gavin. "Ang gulo-gulo na naman dito sa bahay mo!"

"Wala naman ng bago do'n, Phoebe. Hayaan mo na 'yan!" sabi ni August kaya agad ko siyang pinalo ng unan na nasa sofa.

"'Wag mo ngang kunsintihin 'yang kaibigan mo."

Pinagpupulot ko na ang mga bote ng alak na nagkalat sa sahig. Umiinom din naman ako pero 'yong ganiyan ka-wasted? Hell no!

Mayamaya'y dumating na si Hops na malaki ang galit sa mga kalat, magugulo at marurumi. At ang bungad niya?

"Bakit ang gulo rito?! Ang sakit sa mata!"

Kung minsan nga nagtataka ako kung bakit kinaibigan sila ni Hops eh mga dugyuting bata sila.

Kaagad naman akong tinulungan ni Hops sa pagliligpit ng mga kalat.

Natigilan naman ako nang makita kong may hawak na waterguns sila Jean, Jimmy at Jake.

"'Wag na 'wag niyong gagawin 'yan dito! Mababasa---!" pero hindi na natuloy pa ni Hops ang sasabihin niya nang sumabad si Jean.

"Ito na ang pagkakataon natin para makaganti tayo kay Vin!" sabi niya at sinugod na nga nila ang tulog na si Gavin gamit ang waterguns na dala nila.

'Di ko na rin napigilan pa at napahagalpak na ko sa kakatawa lalo na nang hawakan pa ni Rome si Gavin para hindi makatakas. At nagka-riot na nga sa loob ng bahay.

Masaya na ko na makita lang sila na nakangiti at nagtatawanan.

Ang mga lalaking 'to, noong unang kita ko pa lang sa kanila sa bar nakuha na nila ang atensyon ko.

Sama-sama ba naman silang sumayaw sa gitna? Sana kung matinong sayaw eh kaso 'yong pang-cheerdance? Seriously? Mga lasing na sila no'n pero kahit na!

Tingin ko sa oras na 'yon, parang sobrang saya sa barkada nila kaya pumunta rin ako sa dancefloor at doon nga nagtagpo ang mga mata namin ni Gavin or Vin kung tawagin namin sa barkada.

Simula no'n ay palagi ko na ngang nakakasama si Vin at naging kaibigan ko na rin ang mga makukulit niyang kaibigan.

Kapag titingnan mo sila, parang napakasaya lang talaga nila pero sa likod ng mga ngiting 'yan ay ang masasaklap nilang mga nakaraan.

Hail Academy: High School of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon